Isang emosyonal na Baninay Bautista ang napanood ng kanyang milyun-milyong subscribers sa kanyang YouTube channel nitong February 2.
Credit: @baninaybautista Instagram
Mangiyak-ngiyak na ibinahagi ng dating Pinoy Big Brother housemate sa kanyang mga subscriber na hiwalay na sila ng kanyang longtime boyfriend na si Bont Bryan Oropel.
Sa umpisa ng vlog, mapapanood si Baninay na hirap na hirap na ikwento kung paano nagwakas ang halos dalawang taong relasyon nila ng kanyang nobyo.
View this post on Instagram
Simula ni Baninay, “Wala na kami ni Bont. Halos mag-two years na kami. Mahaba na rin ‘yung pinagsamahan namin.”
Ayon kay Baninay, si Bont ang kanyang ‘dream guy’ at hindi maikakailang mahal siya nito. Gayunman, dumating umano sila sa punto ng kanilang relasyon na hindi na sila nagkakaintindihan.
Credit: @baninaybautista Instagram
“Siya ‘yung lalaki na pangarap ko… Sobrang mahal na mahal niya ako. So, love na love ko siya pero dadating din pala kayo sa point na hindi kayo magkakaintindihan, na hindi mo alam kung anong nangyaring mali pero alam mo may mali,” ani Baninay.
Credit: @baninaybautista Instagram
Dagdag niya, “Alam mo may nagbago. Hindi ko alam kung anong point sa relationship namin pero alam ko na may problema na kami.”
Sa ikalawang bahagi ng vlog, inamin ni Baninay na halos tatlong linggo na mula nang maghiwalay sila ng kanyang nobyo.
Credit: @baninaybautista Instagram
At kahit nga naghiwalay na sila ng kanyang nobyo ay nananatili pa rin umano silang magkaibigan at business partners sa negosyo na itinayo nila noong sila pa.
Ani Baninay, “It’s been almost three weeks na simula nong naghiwalay kami. Nasa Boracay siya ngayon, andito ako sa apartment ko sa Cavite. Nagta-travel siya. We’re friends. Minsan nagkakamustahan kami tungkol sa business.”
Credit: @baninaybautista Instagram
Sinabi ni Baninay na mahirap para sa kanya na tanggapin na ang dati niyang nobyo ay ‘business partner’ na lamang niya ngayon.
Aniya, “Ang hirap kasi ‘yung dati kong partner sa buhay, ‘yung boyfriend ko, ‘yung partner in crime ko, business partner ko na lang.”
Ibinunyag din ni Baninay na sinubukan umano nila ni Bont na ayusin ang kanilang relasyon ngunit may mga bagay umano na hindi maaayos hangga’t hindi pa nila naaayos ang kanilang mga sarili.
Credit: @baninaybautista Instagram
At para linawin ang lahat, iginiit ni Baninay na hindi third party ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Bont.
Giit ni Baninay, “May mga bagay lang talaga na hindi pa pwede. May mga bagay din na only time [can] heal…There is no other woman. There’s no other man…”
Masakit man ay tanggap ni Baninay na kailangan muna nilang ma-‘grow’ na dalawa.
“Time apart lang talaga ‘yung kailangan namin… Let me grow. I’ll let you grow…,” ani Baninay.
Sa huli, tiniyak ni Baninay na maayos lamang siya.
Credit: @baninaybautista Instagram
Nangako rin siya na ibabahagi niya sa kanyang mga susunod na vlog ang mga na-achieve niya matapos nilang maghiwalay ng kanyang nobyo.