Dating PBB housemate na si Baninay Bautista, ‘oo’ ang naging sagot sa kanyang ex-boyfriend nang muli siyang ligawan

Pinatunayan ng magkasintahang Baninay Bautista at Bont Bryan Oropel na mayroong ‘second chance’ pagdating sa pag-ibig. Matapos kasing maluha-luhang inanunsyo ni Baninay noong Pebrero na hiwalay na sila ni Bont, masaya nilang ibinahagi sa lahat na nagkabalikan na sila.

Credit: Bont Bryan Oropel YouTube

Binigyan nga nila ang kanilang relasyon ng isa pang ‘chance’. Sa pinakabagong vlog ni Bont, idinokumento niya kung paano niya napa-‘oo’ uli si Baninay.

Mapapanood sa vlog ang isang romantic dinner setup na inihanda niya sa isang rooftop. Talagang pinaghandaan ni Bont ang muling paghingi niya sa matamis na ‘oo’ ni Baninay sa tulong na rin ng kanilang mga kaibigang vlogger.

Credit: Bont Bryan Oropel YouTube

Mala-wedding proposal ang naging setup ng lugar na talaga namang nagpagulat at nagpasaya kay Baninay pagkatapos niyang tanggalin ang piring sa kanyang mga mata.

At habang madamdamin namang ipinapahayag ni Bont ang kanyang labis na pagmamahal ay tuloy-tuloy din ang pagbuhos ng luha ni Baninay.

Credit: Bont Bryan Oropel YouTube

Ani Bont, “Hi Baninay. Sana natuwa ka sa nakita mo ngayon. Gusto ko lang maramdaman mo ulit kung gaano kita kamahal at kung gaano pa rin kita kamahal hanggang ngayon.”

Credit: Bont Bryan Oropel YouTube

Ayon kay Bont, sobra siyang nasaktan noong nakipaghiwalay sa kanya si Baninay. Gayunman, hinding-hindi umano niya isusuko si Baninay dahil sobra-sobra niya itong mahal.

Sinabi rin ng sikat na vlogger, na hanggang sa huli ay pipiliin niya pa rin si Baninay kahit pa sobra siyang nas@ktan.

Credit: Bont Bryan Oropel YouTube

Aniya, “Sobra akong nas@ktan pero di ba sabi ko sa ‘yo lagi kitang pipiliin. Alam ko na madami na tayong naging away pero para sa akin mas nangingibabaw pa rin ‘yung masasayang memory natin dalawa. Sabi ko, hindi kita isusuko kasi sobra-sobra kitang mahal.”

Dagdag niya, “Dati nanalangin ako kay God na bigyan niya ako ng isang tao na makakasama ko, magiging bestfriend ko, gusto kong mapangasawa. Kaya hindi ko na papalagpasin ‘to kasi ayaw na kitang mawala sa buhay ko.”

Credit: Bont Bryan Oropel YouTube

Dito na nga tinanong ni Bont si Baninay ng “Will you be mine again?”. Napaisip naman si Baninay ng ilang segundo bago niya sinagot ng ‘oo’ si Bont.

Samantala, inamin ni Baninay na sobra siyang na-sweetan sa inihandang sorpresa sa kanya ni Bont. Ngunit aniya, hindi umano niya sinagot uli ang dating nobyo dahil sa ganda at romantic ng inihanda nitong sorpresa ngunit dahil napagtanto umano niya na sobrang na-miss niya ito.

Credit: Bont Bryan Oropel YouTube

Ani Baninay, “Nakipagbalikan ako sa’yo hindi dahil sa ginawa mo ngayon kundi kasi ilang araw na rin tayong na parang hindi magkasama…Alam mo ‘yung sobrang na-realize ko na sobrang miss na miss kita.”

Bukod sa pagiging magkasintahan ay magkasosyo rin sina Baninay at Bont sa isang negosyo na itinayo nilang dalawa.

Nakilala rin silang dalawa dahil sa kanilang husay sa pagba-vlog. Sa kasalukuyan, parehong umaabot ng mahigit 1.5 milyon ang mga subscriber ng magkasintahan sa YouTube.