Dating PBB housemate na si Maris Racal, walang paligoy-ligoy na kinumpirma ang relasyon nila ni Rico Blanco

Matatandaang unang umugong ang espekulasyon na may relasyon sina Maris Racal at ang dating bokalista ng bandang ‘Rivermaya’ na si Rico Blanco nang batiin niya ang huli sa kaarawan nito noong nakaraang Marso.

Credit: @mariestellar Instagram

Marami ang naintriga sa naturang Instagram post ni Maris na maliban sa kanyang birthday greeting para kay Rico ay may kalakip din na letrato nito at isang video kung saan mapapanood ang pagduduet nila sa kantang “Brighter Than Sunshine” ng Aqualung.

Dahil sa makahulugang duet nila at sa kanilang matamis na pagtitinginan kaya naman marami ang nakaramdam na mayroong espesyal na namamagitan sa kanila ni Rico.

Credit: @mariestellar Instagram

At ilang buwan matapos ang kanyang nasabing post ay kinumpirma naman ngayon ni Maris na totoong may relasyon sila ni Rico.

Sa gitna ng kanilang online press conference para sa upcoming Father’s Day special episode ng Kapamilya drama anthology na ‘Maalaala Mo Kaya’ nito lamang May 31, walang paligoy-ligoy na sinagot ni Maris ang tanong ng press sa kanya kung may relasyon ba sila ng 48-taong gulang na singer-songwriter.

Ayon kay Maris, sila na ni Rico at iginiit niya pang ‘very obvious’ daw umano ito sa kanyang naunang Instagram post.

Credit: @mariestellar Instagram

Ani Maris, “Kami po ni Rico, I think based sa post na ginawa ko po, I think it is very obvious.”

Ibinahagi rin ni Maris na sa kasalukuyan ay may niluluto sila ni Rico na isang magandang music video na aniya ay dapat abangan ng lahat.

“Right now, we’re very excited and busy din. We’re preparing such beautiful music together. Kaya abangan po nila iyon, soon,” pahayag ni Maris.

Credit: @mariestellar Instagram

Iginiit din ni Maris sa nasabing panayam na masaya siya sa piling ni Rico

Aniya, “Masaya naman po. Nahihiya lang po ako sa mga kasama ko.”

Credit: @mariestellar Instagram

Samantala, kaagad na umani ng reaksyon at nag-trending ang pag-amin ni Maris sa tunay na relasyon nila ni Rico.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na matagal nang may paghanga si Maris kay Rico, lalo na bilang isang singer-songwriter kahit noong hindi pa siya isang artista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

At noong 2019 natupad ang isa sa mga pangarap ni Maris at ito ay ang makasama sa isang kanta si Rico. Ang music video ng kanilang single na “Abot Langit” ay mayroon nang mahigit 1.5 million views sa YouTube ngayon.