Dating PBB housemate na si Sam Pinto, excited sa panibagong yugto ng kanyang buhay bilang isang soon-to-be-mommy sa unang anak nila ni PBA player Anthony Semerad

Matapos ikasal noong Marso, masaya namang ibinalita ng bagong kasal na sina Sam Pinto at professional basketball player na si Anthony Semerad na magkakaanak na sila.

Credit: @sampinto_ Instagram

Inanunsyo ng Pinoy Big Brother alumna at model-actress ang kanyang pagbubuntis nito lamang May 5 sa kanyang Instagram account.

Sumabak sa isang simpleng photoshoot sina Sam at Anthony para sa kanilang pregnancy reveal kung saan ay ipinakita nila ang sonogram picture ng kanilang unang anak.

23 linggo na ang ipinagbubuntis ni Sam at hindi nga nila mapigilan ni Anthony na ma-excite sa bagong yugto ng kanilang buhay bilang mga magulang.

Credit: @sampinto_ Instagram

“We are beyond excited to share with you all that WE ARE PREGNANT🤰Our hearts are full and feeling blessed. We honestly couldn’t be happier and excited for our greatest adventure yet! @anthonysemerad,” ani Sam sa caption ng kanyang post.

Nitong Sabado, May 8, isang araw bago ang selebrasyon ng “Mother’s Day”, ibinunyag naman ni Sam at Anthony sa kanyang YouTube channel ang gender ng kanilang baby.

Credit: @sampinto_ Instagram

Malakas ang pakiramdam ni Anthony na babae ang kanilang magiging anak at hindi nga siya nagkamali dahil pink confetti ang laman ng balloon na kanilang pinaput0k.

Napahiyaw din sa excitement si Sam nang malaman na isang baby girl ang unang anak nila ni Anthony.

May naisip nang pangalan sina Sam at Anthony para sa kanilang baby girl at ito ay “Mia Aya”.

Credit: @sampinto_ Instagram

Ayon kay Anthony, pareho silang mahilig ni Sam sa dagat kaya naman Mia ang kanilang napiling pangalan na ibig sabihin ay “Queen of the Ocean”. Ang “Aya” naman daw ay isang maswerteng pangalan kaya nila ito napili.

Ani Sam, “We decided her name to be Mia Aya Semerad.”

Dagdag ni Anthony, “‘Cause we really love the ocean. Mia is queen of the ocean so it’s the perfect name…and Aya is a very lucky name.”

Credit: @sampinto_ Instagram

Samantala, ibinunyag ni Sam na sobrang umiyak siya nang malaman niyang buntis siya.

Habang sinabi ni Anthony na nakaramdam siya ng tuwa nang malaman niyang magkakaanak na sila. Ibinahagi naman ni Sam at Anthony na nakatakdang manganak si Sam anumang oras ngayong darating na August.