Hindi talaga madali ang pag-arte dahil hindi lamang simpleng pangganap sa isang karakter ang dapat na gawin dahil kinakailangan mo rin itong isabuhay at bigyan ng emosyon, mapabida o kontrabida man.
Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube
Marami na tayong kilalang bida at kontrabida katulad na lamang ni Darna at Valentina. Karamihan sa atin ay umiidolo talaga sa bida ngunit marami ang napaibig sa pagganap ni Princess Punzalan bilang si Selina Matias sa teleseryeng “Mula sa Puso” na ipinalabas noong 1997.
Maliban sa kilig at saya na hatid ng tambalan ng Pinoy sweethearts na sina Claudine Barreto at Rico Yan, talagang pumatok sa mga manononood ang “Mula sa Puso” dahil sa mahusay na pagganap ni Princess bilang antagonist na si Selina Matias.
Dahil sa exemplary na pagganap ni Princess sa kanyang mga karakter sa iba’t-ibang proyekto, labis siyang sumikat at kinilala bilang isa sa mga versatile na aktres sa kanyang henerasyon.
Matapos ang ilang taon niyang pananatili sa peak ng kanyang career bilang isang aktres, napagdesisyunan naman ni Princess na i-pursue ang buhay niya sa labas ng showbiz at ngayon ay kasalukuyang naninirahan sa Los Angeles, California kasama ang kanyang pamilya.
Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube
Sa isang vlog ni Princess na ibinahagi ng ABS-CBN Entertainment sa YouTube kumakailan lamang, ipinasilip ng aktres ang buhay niya ngayon sa abroad.
Ayon kay Princess, malaki ang naging adjustment niya nang lumipat sa America dahil nasanay umano siya sa pamumuhay niya sa Pilipinas na may katulong sa lahat ng gawaing-bahay.
“Ibang-iba po ang buhay ko ngayon kesa sa buhay ni Selina Matias ng ‘Mula sa Puso’. Usually ang araw ko nagsisimula… gigising ako ng maaga bago mag-alas sais ng umaga, magme-meditate, magbabasa ng mga emails,” pahayag ni Princess.
Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube
Kung noon ay pag-aartista lamang ang career niya, ngayon ay pinagsasabay na niya ang kanyang trabaho bilang isang nurse kung saan ay araw-araw siyang pumapasok sa opisina at personal na nagpupunta sa appointments ng kanyang mga pasyente.
Malaki man ang ipinagbago ng kanyang buhay ngayon kumpara sa dating buhay niya dito sa Pilipinas, tanggap naman ni Princess na ganoon talaga ang buhay at may mga pagkakataon na kinakailangan nating mag-adjust at makuntento sa kung ano ang meron tayo.
Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube
“Ganun naman talaga ang buhay. You adjust kung anong meron. Makuntento kung anong meron. Mag-adjust kung ano ang kasalukuyang situation so ganoon ang buhay ko ngayon as a mom, a nurse, and an actor,” aniya.
Malayo man sa kanyang Pinoy fans, nananatili namang malapit sa puso ni Princess Punzalan ang pagmamahal para sa lahat ng sumusuporta sa kanya.