Dating “T.G.I.S.” actress na si Kim Delos Santos, ito na ang tinahak na buhay ngayon sa Amerika nang lisanin ang showbiz

Marami sa ating mga hinahangaang artista sa 90s TV show na “T.G.I.S.” o “Thank God It’s Sabado” ay iba na ang tinatahak na landas ngayon, napakalayo sa kanilang buhay-artista noong sila ay sikat at maningning pa.

Credit: @kimnicole727 Instagram

Isa lamang ang dating aktres na si Kim Delos Santos sa mga sikat na artista noong dekada 90 na piniling iwan ang pag-aartista upang mamuhay ng isang simple ngunit masayang buhay— malayo sa makinang na mundo ng showbiz.

Credit: @tgisgma7 Instagram

Mula sa pagiging artista, si Kim ay nagtatrabaho na ngayon bilang isang medical frontliner sa Amerika.

Sa panayam ni Kim para sa Kapuso online talk show na ‘Just In’, masaya niyang ikwenento ang naging buhay niya sa Amerika mula nang nag-migrate siya.

Credit: @tgis_barkada Instagram

Pagkukuwento ni Kim, taong 2004 siya umalis sa Pilipinas para manirahan sa Amerika. Marahil marami ang hindi nakakaalam ngunit si Kim ay isinilang talaga sa New Jersey sa Amerika at kalaunan nga ay lumaki sa Pilipinas.

Pagkukuwento ni KIm, nang dumating siya sa Amerika ay iba’t ibang trabaho ang kanyang sinubukan hanggang noong 2009 ay bumalik siya sa pag-aaral para maging isang Licensed Practical Nurse.

Credit: @kimnicole727 Instagram

Sa taong din iyon ay nakuha ni Kim ang kanyang lisensya. Taong 2010 naman nang magsimulang magtrabaho si Kim bilang isang Dialys!s Nurse at ngayong taon ay mag-la-labing isang taon na nga siya sa kanyang trabaho. Bukod din sa pagiging isang Licensed Practical Nurse, isa ring Registered Nurse si Kim sa Amerika.

Inamin naman ni Kim na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan bago niya naabot ang kasalukuyang estado ng kanyang buhay.

Credit: @kimnicole727 Instagram

Ani Kim, “At first medyo mahirap siya as in, kasi hindi naman ako nakapagtapos sa Pilipinas, eh. So, I have to start from the bottom up.”

At ngayon ay pinalalawak pa ni Kim ang kanyang kadalubhasaan sa medical field matapos siyang bumalik sa pag-aaral para maging isang P$ychiatric [email protected] Health Nurse Practitioner.

Credit: @kimnicole727 Instagram

Ani Kim, “Ngayon ay nag-aaral na naman ako ulit. I’m back in school again [to be a] P$ychiatric [email protected] Health Nurse Practitioner.”

At nang tanungin kung bakit gusto niyang maging isang P$ychiatric [email protected] Health Nurse Practitioner, ibinahagi ni Kim na nais niyang makatulong sa mga taong nakararanas ng mga [email protected] health pr0blem lalo na sa panahon ngay0n ng [email protected]

Credit: @kimnicole727 Instagram

Ani Kim, “Ang hindi napapansin ng mga tao, malaking epekto sa mga bata rin, because they are not going to school right now and they’re [at] home and they are isolated. Kung may siblings sila, syempre okay lang. Kung wala silang siblings, it’s not really good for them, so medyo naninibago sila.”

Sa huli, sinabi ni Kim na masaya at kuntento na siya sa kanyang buhay ngayon at mahal na mahal niya ang kanyang trabaho.