Dating “Wowowee” dancer na si RR Enriquez, labis na nagsisisi matapos umorder ng Milk Tea na nagkakahalaga ng 6 million pesos

Sabi nila, ang bawat negosyante ay nagkakamali. Kaya naman para maiwasan din ng kapwa nila mga negosyante o ng mga taong nagbabalak na mag-negosyo ang mga nagawa nilang pagkakamali malugod nila itong ibinabahagi sa lahat.

Credit: @rr.enriquez Instagram

Tulad na lamang ng dating “Wowowee” dancer-host na si RR Enriquez na ngayon ay namamayagpag sa mundo ng pagnenegosyo.

Ngunit sa isang Instagram post, ibinunyag ni RR ang isang pagkakamali na nagawa niya bilang isang negosyante ngayong panahon ng p@ndemya.

Ayon kay RR, nagkamali siya nang umorder siya ng 50 libong piraso ng Milk Tea na nagkakahalaga ng 6 na milyong piso.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

Pagbubunyag ni RR, “Wanna know a secret? Mistakes that I did as a business owner during this pandemic? Ok I ordered 50 thousand pieces of Milk tea which cost me 6 million pesos. Yes not bragging I’m just being honest lang because I want to share with all of you the mistakes that I made during this p@ndemic.”

Kwento ni RR, kaya siya napa-order ng napakaraming Milk Tea ay dahil inakala niya na tulad ng ibinebenta niyang kape ay papatok din ito sa masa.

Credit: @rr.enriquez Instagram

Natakot umano si RR na maubusan ng stock dahil dalawang buwan pa umano bago mai-deliver ang mga produkto.

Ani RR, “Sobrang lakas ng Cryolipo coffee ko because I guess coffee is life🤣 So I honestly thought na magiging kasing lakas din sya ng coffee kaya I ordered 50 thousand pieces agad and risk my 6 million. Natakot kasi ako na maubusan. Dahil 2 months bago maideliver ang products.”

Credit: @rr.enriquez Instagram

Mabenta naman daw ang Milk Tea na inorder ni RR kaya lang ay hindi ito tulad ng ibinebenta niyang kape na “pinagkakaguluhan” umano ng tao. Ang magagawa na lamang nga ni RR ay maghintay kung kailan mauubos ang mga inorder niyang produkto.

“Correction, mabenta naman sya and sure ako mauubos ito pero need ko maghintay. Unlike sa coffee na [pag-deliver] sa akin ubos agad,” ani RR.

Nais umanong ibahagi ni RR sa lahat ang kanyang naging pagkakamali para magsilbing aral sa mga susubok na magnegosyo.

Credit: @rr.enriquez Instagram

Dahil sa kanyang karanasan, pinayuhan ni RR ang mga nagbabalak na magnegosyo na umorder muna nang paunti-unti.

Aniya, “So sa mga nagbabalak mag business huwag muna kayo umorder ng napakadami try 5 thousand pieces muna. Ok lang maghintay ng 2 months kesa matulog ang pera mo ng ilang months.”

Sa huli, nagdesisyon si RR na tumingin sa positibong bahagi ng kanyang sitwasyon. Sinabi ni RR na iisipin niya na lamang na ang perang ginastos niya para sa Milk Tea ay nasa bangko.

Credit: @rr.enriquez Instagram

Matapos ang kanyang karera bilang dancer, si RR ay nagbukas ng kanyang sariling skin care business at Nail Spa. Sa ngayon, tumatayong CEO si RR ng “Cryolipo Coffee by Rejuva”.