Napuno ng saya ang bonggang birthday celebration ng dating “Wowowin” dancer at host na si Lovely Abella. Noong December 11, masayang ipinagdiwang ni Lovely ang kanyang ika-35 kaarawan kasama ang kanyang pamilya, mga empleyado at kasosyo niya sa kanyang online business.
Credit: @lovelyabella_ Instagram
Maraming bagay namang ipinagpapasalamat si Lovely sa kanyang kaarawan at isa na rito ang tagumpay ng online business na itinatag nila ng kanyang asawang si Benj Manalo, ang Lovely Cosmetics.
Sa araw nga ng kanyang kaarawan na Christmas Party din ng kanilang kumpanya, namigay ng maraming biyaya at papremyo si Lovely sa kanyang mga empleyado. Kabilang sa mga bonggang papremyong ipinamigay ni Lovely ay isang kotse!
Kwento ni Lovely sa isang Instagram post, napaka-memorable para sa kanya ang kanyang kaarawan kung saan ay nag-ala Kuya Wil siya.
Credit: @lovelyabella_ Instagram
Kung dati nga ay isa lamang siya sa mga host at dancer ng programa ni Kuya Wil, ngayon siya na mismo ang namigay ng papremyo sa mga tao.
Ayon naman kay Lovely, tuwang-tuwa siya dahil dininig ng Panginoon ang kanyang dasal na ibigay ang kotse sa isang deserving na tao na nagkataong kapatid ng kanyang asawa na si Ai Manalo.
Ibinahagi ni Lovely na isa si Ai sa mga taong hindi nagdalawang-isip na tulungan sila ni Benj noong nagsisimula pa lamang ang kanilang online business.
Credit: @lovelyabella_ Instagram
“Di ko makakalimutan ang gabing to, nag mala Kuya willie ako kagabi at talagang pag itinadhana, ibibigay talaga ni LORD! Pinagdasal ko na Lord bigay mo ang kotse ko sa deserving na tao. And YES!! Pinakinggan niya ako si @ai.manalo ay kapatid ng asawa ko at kapatid ko na rin,” ani Lovely.
View this post on Instagram
“Siya ang unang hiningan namin ng tulong nung nagsisimula kami sa aming Lovely Cosmetics dahil distributorship wala kaming idea sa encoding and all!! Siya ang kauna unahang nagtiwala samin, kahit may trabaho pa siya nun At sumama na sa kompanyang tinayo namin, at isa na din siya sa owner La Marca Jewelry! Kaya super Deserve!! Congrats! We love you so much,” patuloy ni Lovely.
Samantala, sa isang hiwalay na post, hindi maiwasan ni Lovely na maging emosyonal habang binabalikan ang mga hirap na kanyang pinagdaanan bago niya naabot ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Credit: @lovelyabella_ Instagram
Ayon kay Lovely, inabot ng 35 taon bago niya masabi na nakamit na niya ang kanyang mga goal sa buhay.
Pag-amin pa niya, naabot niya ang kanyang mga pangarap sa pamamagitan ng pagiging masipag, matiyaga at lalong-lalo na dahil nilakipan niya ang mga ito ng pananampalataya sa Diyos.