Isa sa mga hinahangaang aktres sa showbiz ay si Dawn Zulueta. Ngunit bukod sa pag-arte at sa taglay niyang kagandahan, alam n’yo bang may itinatagong talento si Dawn sa pagtugtog ng instrumento, partikular na ng piano?
Credit: @dawnzulueta Instagram
Kamakailan lamang ay muling nagpakitang-gilas sa pagtugtog ng piano si Dawn. Sa kanyang Instagram account, nag-post si Dawn ng isang video kung saan mapapanood ang kanyang kamangha-manghang pagtugtog ng piano.
Sa video, makikitang pokus na pokus si Dawn sa pagtugtog ng obra maestra ng German composer na si Johann Sebastian Bach na pinamagatang “Arioso.” At habang siya ay tumutugtog, ipinasilip naman ni Dawn sa nasabing video ang kanilang tahanan at ang napakagandang tanawin na makikita sa kanilang lupain.
Credit: @dawnzulueta Instagram
Caption naman ni Dawn sa kanyang video, “As promised, “Arioso” by J.S. Bach (Largo, Concerto in F Minor – BMV 1056) You have to wonder what Bach was feeling while he was composing this masterpiece. The piece is originally for Harpsichord & meant to be accompanied by an orchestra of Strings.”
Ibinahagi rin ni Dawn na noong Mayo pa niya sinimulang aralin kung paano tugtugin ang nasabing piyesa. Dagdag pa niya, masayang-masaya siya dahil sa wakas ay matutugtog na niya ito sa maraming tao.
Credit: @dawnzulueta Instagram
Sinabi naman ni Dawn na malayo pa siya sa pagiging perpekto sa pagtugtog ng piano. Gayunpaman, inaabangan niyang makapag-ensayo pa ng maraming piano song pieces sa mga susunod na taon.
Credit: Dawn Zulueta Official YouTube
Ani Dawn, “Last May, I devoted myself to studying to learn how to play this 3 minutes of Heaven, and I’m finally able to perform it for you in full…It is still far from perfect, but I’m so happy I have more beautiful pieces to practice for, hopefully, many years to come Thank you for watching.”
Matatandaan na nagsimulang mag-aral si Dawn na tumugtog ng piano noong May 2017 sa tulong na rin ng teacher ng kanyang anak.
Sa kanyang nakaraang post, ibinunyag din ni Dawn na hindi siya marunong magbasa ng “musical notes” at hindi man lang kumuha ng “formal piano lessons” ngunit dahil sa photographic memory niya kaya siya natutong tumugtog ng classic piano pieces.
Credit: Dawn Zulueta Official YouTube
Samantala, ang buong performance ni Dawn ay mapapanood sa kanyang YouTube channel.