Dawn Zulueta, pinahanga ang marami dahil sa kanyang ‘new look’ sa kanyang 52nd birthday na mas nagpalitaw sa kanyang angking kagandahan!

Talagang habang nadadagdagan ang edad ng beteranang aktres na si Dawn Zulueta ay mas lalo siyang gumaganda!

Credit: @dawnzulueta Instagram

Patunay dito ang mga pinakabagong litrato ni Dawn kung saan litaw na litaw ang kanyang angking kagandahan sa kanyang tila bagong imahen.

Noon lamang March 4 ay ipinagdiwang ng aktres ang kanyang ika-52 kaarawan at para gawin itong espesyal ay isang bagong look ang sinubukan ni Dawn.

Pinahanga ni Dawn ang maraming netizens dahil sa hindi kumukupas niyang kagandahan na makikita sa mga larawang ibinahagi niya.

Credit: @dawnzulueta Instagram

Pinakulayan at pinagupitan ni Dawn ang kanyang buhok na talaga namang bagay na bagay sa kanya at mas lalong nagpatingkad sa kanyang natural na kagandahan.

Imbes nga tumanda ay mas lalo pang bumata si Dawn kahit pa lagpas singkwenta na ang kanyang edad na nagpahanga naman sa marami.

Biyaya namang maituturing ni Dawn ang panibagong taon na ibinigay sa kanya ng Maykapal.

Credit: @dawnzulueta Instagram

Ani Dawn, “52 today…Blessed to see another year 🎂🎂🎂 A year ago today, I had no idea that in just a matter of days the world would turn itself inside out due to the #c0vid_19 p@ndemic 🦠”

Marami namang napagtanto si Dawn sa isang taon na naman na lumipas sa kanyang buhay at ito ay kung gaano kahalaga ang buhay.

Dagdag niya, “I had a whole year to reflect deeper about how precious life is as we wept with those who lost their battles and stood strong with those who still fight. In one year, I got to re-evaluate myself and my priorities. A full year of sifting and shaking so that I am only left with what matters most.”

Credit: @dawnzulueta Instagram

At sa kanyang kaarawan, pinasalamatan din ni Dawn ang lahat ng mga taong nagbigay ng kanilang suporta at nagpaabot ng kanilang pagmamahal sa kanya kahit sa pamamagitan lamang ng social media. Aniya, malaki umano ang naging tulong ng mga ito para malagpasan niya ang nakalipas na taon.

Mensahe ni Dawn, “I thank every one of you, who even through SocMed, gave a kind word of support, encouragement, a word of peace and love ❤️ Thank You for helping me get through the year that was.”

Credit: @dawnzulueta Instagram

Si Dawn ay isang artista na kilala sa kanyang mahusay na talento sa pag-arte. Nanalo siya ng maraming mga parangal bilang aktres at ang ilan sa mga hindi malilimutan niyang proyekto sa TV ay ang ‘Hihintayin Kita Sa Langit’, ‘Walang Hanggan’ at ‘The Love Affair’.

Maliban sa pagiging aktres, si Dawn ay isang happy wife rin sa kanyang asawa na si Antonio Lagdameo Jr. mula Davao del Norte.

Credit: @dawnzulueta Instagram

Matatandaang ikinasal si Dawn kay Anton na isang politiko at isang negosyante noong 1997.

Ngayon, masaya silang kasal at biniyayaan ng dalawang anak na sina Jacobo Antonio at Ayisha Madlen.