De-kalibreng aktres na si Princess Punzalan, isa nang Hollywood actress at registered nurse sa Amerika

Isa sa mga de-kalibre at batikang aktres sa mundo ng pag-arte sa Pilipinas si Princess Punzalan o Bernadette Vela Punzalan sa tunay na buhay.

Credit: Princess Punzalan Instagram   

Nakilala siya dahil sa kanyang husay sa pag-arte at kahanga-hangang pagganap bilang kontrabida sa maraming drama serye sa telebisyon. Maituturing nga si Princess bilang isa sa mga primera kontrabida ng kanyang henerasyon.

Unang sumabak sa showbiz si Princess noong dekada 80 bilang isa sa mga host ng Kapuso Sunday noontime variety show na “GMA Supershow”.

Ngunit mas naging sikat at kilalang aktres si Princess nang gampanan niya ang papel ni Selina Pereira-Matias sa Kapamilya drama series na “Mula sa Puso” noong dekada 90.

Credit: Princess Punzalan Instagram

Dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa drama series ay ginawaran si Princess ng PMPC Star Awards for Television bilang “Best Drama Actress” noong 1998.

Napabilang din si Princess sa marami pang pelikula at TV show katulad ng “Labs Ko Si Babe” noong 1999, “Kung Mawawala Ka” noong 2002, at “Te Amo, Maging Sino Ka Man” noong 2004.

Noong 2005, gumawa si Princess ng isang malaking hakbang sa kanyang buhay nang magpasya siyang iwan ang kanyang karera sa showbiz at lumipat sa Amerika kasama ang kanyang asawang si Jason Field.

Credit: Princess Punzalan Instagram

Sa isang artikulo na inilathala ng PEP.ph, inamin ni Princess na isang mahirap na desisyon para sa kanya na umalis sa Pilipinas at manirahan sa California.

Gayunpaman, ay nalampasan umano ni Princess ang homesickness sa tulong ng social media.
Matapos iwan ang pag-aartista ay nagpasya si Princess na bumalik sa pag-aaral.

Nagpasya si Princess na mag-aral ng kursong nursing at ngayon nga ay isa na siyang rehistradong nurse sa Amerika. Bago magtrabaho bilang nurse sa Amerika ay nagtrabaho muna sa isang restaurant si Princess.

Credit: Princess Punzalan Instagram

Ayon naman sa parehong artikulo na inilathala ng PEP.ph, iniwan na rin ni Princess ang mga nasabing trabaho niya para balikan ang kanyang “first love” at iyon nga ay ang pag-arte.

Sa kasalukuyan, ay gumagawa na ng kanyang pangalan si Princess sa Hollywood. Matapos ang ilang taong pamamahinga sa pag-arte, napanood ulit sa big screen si Princess.

Bumida si Princess sa 2019 Filipino-American musical drama film na “Yellow Rose” kasama sina Lea Salonga at Eva Noblezada sa ilalim ng dereksiyon ni Diane Paragas.

Credit: Princess Punzalan Instagram

Ang pelikula ay naging box-office hit na umani ng maraming mga parangal mula sa mga prestihiyosong award-giving body sa Amerika kagaya ng 35th Los Angeles Asian Pacific Film Festival, Bentoville Film Festival at CAAMFest 37.

Sa ulat naman ni Lhars Santiago sa “24 Oras” nitong April ay ikwenento ni Princess na siya ay bibida sa isang panibagong Hollywood movie na pinamagatang “The Interview” kapag natapos na ang p@ndemya.