Talagang usap-usapan ngayon ng netizens ang pagiging fit and fabulous ng celebrity mom na si Pauleen Luna-Sotto.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
“How to be you po?”
Isa lamang iyan sa mga tanong ng karamihan sa tuwing nagbabahagi si Pauleen Luna-Sotto ng mga larawan niya sa Instagram kung saan ay talagang agaw-pansin ang maganda niyang hubog ng katawan.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Marami man ang nadismaya sa pagkawala ng opportunities nang dumating ang p@ndemya, imbes na maglugmok ay mas pinili ni Pauleen na gamitin ang bakante niyang oras sa pagwo-workout.
Hindi naman naging hadlang para sa aktres na ipagpatuloy ang kanyang pag-eehersisyo sa kabila ng p@ndemya dahil sinigurado talagang niyang hindi mapapabayaan ang kalusugan kahit na’y nasa bahay lamang.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
“Let’s all stay healthy everyone! Find time for yourself because self care is important,” sulat ni Pauleen sa kanyang caption kalakip ng maikli niyang video habang nagwo-workout.
Nito lamang Enero nang napagtanto ni Pauleen na mas bigyan pa ng atensyon ang pag-aalaga sa katawan. Ibinahagi rin ng aktres kung gaano kahirap para sa kanya ang pagkakaroon ng polycyst!c 0vary syndr0me (PC0S) na siyang naging inspirasyon niya upang ipagpatuloy ang kanyang “fitness journey”.
“Last January i told myself that i need to care for my body more. Living with PC0S and Insul!n Res!stance makes losing weight,” ayon kay Pauleen.
Ilang buwan matapos umpisahan ang kanyang workout sesh, proud na ibinabahagi ng aktres ang mga larawan niya nang walang kahit anong bahid ng filter.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Martes, Abril 20 ngayong taon nang ibinahagi ni Pauleen sa Instagram ang isang mirror shot kung saan ay makikita ang napakagandang pagbabago sa kanyang katawan.
“No filter. Just love and care for my body. Slowly reaching my weight goal. Slowly but surely and most importantly, happily,” pahayag ni Pauleen sa kanyang caption.
Sa mga nagdaang buwan, mas nadadagdagan ang confidence ng aktres. Ang nagustuhan pa ng netizens ay ang “no filter” na mga larawang ibinabahagi ni Pauleen sa Instagram.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Sa bawat update ng aktres sa kanyang “fitness journey”, hindi napipigilan ng kanyang fans na magbigay ng papuri tungkol sa naging resulta ng determinasyon ni Pauleen sa pag-eehersisyo.
Pati kapwa celebrities ay napabilib din ni Pauleen!
“So fit Pauleen! Been watching your fitness journey. So inspiring!!!” ayon kay Andi Manzano Reyes.
“You look so good,” papuri naman ni Isabelle Daza.
“Whoa🔥🔥🔥,” komento naman ni Ina Feleo.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Kumakailan lamang nang napagdesisyunan ng kanilang buong pamilya na magbakasyon. Maliban sa mga “family picture” na ibinahagi ni Pauleen, talagang agaw-pansin ang “bikini photo” ng aktres.
“While everyone was sleeping 😜,” saad ni Pauleen.
View this post on Instagram
Suot ang itim niyang two-piece swimsuit, pinatunayan ng aktres na talagang nagbunga ang kanyang dedikasyon sa pagwo-workout.