Derek Ramsay, binigyan ng bonggang regalo ang asawang si Ellen Adarna para sa anibersaryo nila

“My husband is extra..,” ganyan nilarawan ni Ellen ang bonggang regalo ni Derek sa kanilang unang anibersaryo. Maagang sinurpresa ni Derek Ramsay ang asawa nitong si Ellen Adarna para sa kanilang unang anibersaryo bilang mag-asawa.

Credit:ย @maria.elena.adarna Instagram

Para ipagdiwang ang okasyon, isang blue na Bentley lang naman ang iniregalo ni Derek para kay Ellen.
Sa post ni Derek makikita ang maiksing video habang binababa ang regalong sasakyan sa tapat ng kanilang bahay at ang video ni Ellen habang dina-drive nito ang bago niyang mamahaling sasakyan. Nagiwan din ito ng isang ‘sweet massage’ para kay Ellen.

Nagpapasalamat ang aktor sa labis labis na pagmamahal at kasiyahan na binibigay ng asawa nitong si Ellen sa kaniya.

Credit:ย @maria.elena.adarna Instagram

“Advance happy anniversary to the love of my life. Thank you for giving me so much love. I’ve really found true happiness ๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜ I love you so much!!!! So so much!!” caption nito sa post.

Hindi rin nagpahuli si Ellen sa pagpost ng bonggang regalo ng kaniyang asawa. Nagpost ito ng mga larawan ng kaniyang asawa kasama ang ‘luxury car’ sa kaniyang instagram story.

“My husband is extraโ€ฆ extra advanced. Advance happy anniversary,โ€ saad nito.

Matatandaan na kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon noong nakaraang taon. Inanunsyo naman nila ang kanilang ‘engagement’ matapos ang isang buwan at ikinasal rin sa parehong taon.

Credit:ย @maria.elena.adarna Instagram

Pumunta ng Africa ang couple kasama ang anak ni Ellen at ng aktor na si John Lloyd Cruz na si Elias para sa kanilang honeymoon. Kinainggitan naman ng mga netizens ang magarbong regalo ni Derek para sa kanyang pinakamamahal na asawang si Ellen. Mapapa ‘sana all’ ka talaga.

“Walaaa.. Im convinced na talaga. Sana all mareng Ellen.”

“Sana all nireregaluhan ng auto pag anniversary…”

“Ayaw ko sanang mag sana all kaso Sige na nga”

Credit:ย @maria.elena.adarna Instagram

Syempre binati rin naman sila ng mga ito:

“Wow, happy anniversary to both of you. I felt the love”

“Happy Anniversary to my favorite couple..stay strong and inlove guys..”