Nitong mga nakaraaang araw, isa sa mga mainit na pinag-uusapan sa social media ay ang mga sweet na litrato ng s3xy actress na si Ellen Adarna kasama ang Kapuso hunk actor na si Derek Ramsay.
Credit: @ramsayderek07 Instagram
Unang namataan ng mga netizen sina Ellen at Derek na magkasama sa isang dinner party. Sa mga litrato nila na kinunan sa nasabing party na inihanda ng kaibigan nilang aktor ay kapansin-pansin ang closeness at pagiging sweet ng dalawa.
Naging sunod-sunod din ang paglabas ng mga litrato nina Ellen at Derek na magkasama kung saan makikita ang pagiging komportable nila sa isa’t isa.
Lalo namang umugong ang espekulasyon ng marami na magkarelasyon na ang dalawang artista matapos magbakasyon at mag-roadtrip sina Ellen at ang kanyang anak sa aktor na si John Lloyd Cruz na si Elias kasama si Derek.
Nag-post din ng mga sweet photo nila nang magkasama sina Ellen at Derek sa kani-kanilang Instagram account na umani ng libu-libong komento mula sa mga netizen.
Credit: @ramsayderek07 Instagram
At upang masagot na ang tanong ng marami kung sila na ba ni Ellen, direktang inamin ni Derek sa isang eksklusibong panayam sa PEP.ph na may relasyon nga sila ng aktres.
Pag-amin ng Kapuso hunk actor, “May relasyon kami, oo.”
Kwento ni Derek sa nasabing panayam, nagkakilala umano sila ni Ellen sa isang dinner party at mas lalong naging close dahil sa kanilang mga workout session.
Hindi naman idinetalye ni Derek ang eksaktong petsa kung kailan sila naging opisyal na magkarelasyon ni Ellen ngunit ayon sa kanya, nang una silang magkakilala ng aktres ay may “spark” umano sa pagitan nilang dalawa.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Ani Derek, “Tama ka, may spark talaga. Sobrang laking spark.”
Dagdag niya, “We just really are enjoying each other’s company. Sobra. Like, walang dull moment.”
Matatandaan na bago ang pag-amin ni Derek, una niyang inihayag na may “crush” siya sa aktres. Samantala, noon lamang Novemeber 2020 inanunsyo ni Derek na nagwakas na ang isang taong relasyon nila ni Kapuso actress Andrea Torres.
Sinabi naman ni Derek noon na hindi third party ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Andrea.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
“There is no third party! The breakup happened so fast. Maybe two people are just not meant to be,” ani Derek.