Kumpirmadong tumungtong na sa next level ang pag-iibigan ng isa sa mga controversial at pinag-uusapang celebrity couple ngayon na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Matapos kasi nilang aminin ang kanilang relasyon noong nakaraang buwan ay masayang ibinahagi ni Ellen sa lahat na engaged na sila ni Derek.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Ellen ang ilang nakakakilig at emotional moment sa pagitan nila ni Derek sa gabi ng wedding proposal nito sa kanya.
Saksi sa pagpo-propose ni Derek ang kanilang pamilya. Maging ang anak ni Derek at ang anak ni Ellen sa kanyang dating kasintahan na si John Lloyd Cruz.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Makikita sa mga larawan na ipinost ni Ellen ang kanyang napakagandang diamond engagement ring. Sa isang litrato ay makikita naman ang pagiging emotional ni Ellen habang malambing siyang yinayakap ni Derek.
“Game Over,” maikli ngunit makabuluhang caption ni Ellen sa kanyang Instagram post.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Samantala, pinatunayan naman ni Derek sa lahat ng mga nambabash sa kanya na hindi siya ang tipo ng lalaki na hindi kailanman mag-se-settle down.
Sa panayam sa kanya ng Mega magazine, sinabi rin ni Derek na si Ellen na ang kanyang “The One” pagkatapos niyang aminin ang kanilang relasyon.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Matatandaang unang umugong ang mga balitang may relasyon sila ni Ellen noong January matapos kumalat ang isang viral video kung saan makikita silang sobrang close habang nasa isang dinner party. Ngunit ayon kay Derek, hindi iyon ang unang beses na nagkita sila ni Ellen.
Bago pa kasi nangyari ang nasabing dinner party sa kanyang bahay ay nagkakilala na sila ni Ellen sa isang blind date.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Ibinahagi rin ni Derek na nagsilbing match maker at cupid nila ang kanilang mga kaibigan na sina John Estrada at Ruffa Gutierrez.
Mariin ding sinabi ni Derek na kay Ellen lamang niya naramdaman ang tila isang “chemical reaction” na palagi niyang hinahanap.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Naging totoo naman si Derek sa kanyang mga salita at damdamin na mabilis na mangyayari ang pag-iisang dibdib nila ni Ellen dahil ngayon ay engaged na sila!
“I think she’s the one. And I say it’s gonna happen quick,” ani Derek sa kanyang panayam sa Mega.
Dagdag niya, “My heart tells me if I don’t follow through with this one, I’ll regret it. Everything in my heart is telling me that, she’s the one…”
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Noong nakaraang taon lamang nagwakas ang huling relasyon ni Derek sa aktres na si Andrea Torres.
Habang si Ellen naman ay matagal nang hiwalay kay John Lloyd at ngayon ay magkasama nilang pinapalaki ang kanilang anak na si Elias sa pamamagitan ng co-parenting setup.