Derek Ramsay, kinumpirma ang mga haka-hakang hiwalay na sila ni Andrea Torres

Ngayong linggo ay lumabas ang mga balitang hiwalay na sina Derek Ramsay at Andrea Torres. Nag-ugat ang mga balitang hiwalay na ang celebrity couple matapos nilang burahin sa kanilang mga social media account ang mga larawan nila nang magkasama.

Credit: Derek Ramsay Instagram       

Matapos kumalat ang mga haka-hakang hiwalay na nga sila ni Andrea, maraming paratang naman ang itinatapon ng mga netizen kay Derek. Katulad na lamang ng komento ng isang netizen na sinasabing lahat umano ng nagiging kaparehas ni Derek ay nagiging karelasyon niya.

Credit: Derek Ramsay Instagram

“Every girl na nila-loveteam sa kanya ay nagiging GF niya,” sabi ng isang netizen.

Pinasisinungalingan naman ito ng aktor. Tugon ni Derek, “There is no truth to what you are saying. Andrea is the only leading lady that became my GF.”

Credit: Andrea Torres Instagram

Isang netizen din ang nagsabi na kaya naghiwalay ang celebrity couple ay dahil hindi gustong magpakasal ni Derek. Komento ng netizen, “I think he’s not into marriage.”

“I think you are wrong,” reply ni Derek sa komento ng nasabing netizen.

Kapansin-pansin din ang maraming ‘below the belt’ comments ng ilang netizen. Kagaya na lamang ng komento ng isang netizen na kinukumpara si Andrea sa dating nakarelasyon ni Derek na si Joanne Villablanca. Tila minamaliit kasi ng nasabing netizen si Joanne dahil sa pagiging single mom nito.

Credit: Derek Ramsay Instagram

Bwelta pa ni Derek sa nasabing netizen, “There is nothing wrong with being a single mom. That is actually something you should admire. “

Credit: Andrea Torres Instagram

May pakiusap din si Derek sa nasabing netizen na ipinagtatanggol si Andrea sa maling paratang. Ani Derek, “I know you are just defending Andrea but [please] do it naman without being hurtful,”

Credit: Derek Ramsay Instagram

Kahit wala pang opisyal na pahayag si Derek sa paghihiwalay nila ng Kapuso actress ay kinumpirma naman niya ang kanilang paghihiwalay sa pamamagitan ng isang komento. Sa tugon ni Derek sa komento ng isang netizen na ipinagtatanggol siya ay sinabi niya na wala umanong mali kay Andrea at ang paghihiwalay umano nila ay nangyari nang napakabilis. Ayon din kay Derek, walang third party sa kanilang paghihiwalay.

Credit: Andrea Torres Instagram

“There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman. There is no third party. The breakup has happened so fast. maybe 2 people are just not meant to be. “

Sa huli, humingi ng pag-unawa si Derek mula sa mga tao. Aniya, “[Please] respect us nalang. We shared our love to all of you sana naman we can keep this to ourselves. Mahal ko si ada kaya di ako magsasalita pero if I hear lies about her I will defend her.”

Credit: Derek Ramsay Instagram

Nagtambal sina Derek at Andrea sa Kapuso drama series na “The Better Woman”. Noong nakaraang taon naman ay kinumpirma nila ang kanilang relasyon.