Desiree del Valle at Boom Labrusca, umaapaw ang kasiyahan pagkatapos malamang isang baby boy ang kanilang unang anak!

Isang gender reveal ang isinagawa ng soon-to-be-parents na sina TV actress Desiree del Valle at ang aktor na si Boom Labrusca kamakailan lamang.

Credit: @deslois Instagram

Ilang araw pagkatapos nilang ibalita sa lahat na magkakaroon na sila ng anak ay agad naman nila itong sinundan ng isang gender reveal announcement.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Desiree ang ilang mga larawan kuha mula sa ginawa nilang gender reveal party.

Credit: @deslois Instagram

Dahil nasa Amerika ang pamilya ni Desiree at malayo naman ang kapatid at ina ni Boom kaya naman sa pamamagitan lamang ng isang video call nila nakausap at nakasama ang mga ito.

Base naman sa ibinahaging sonogram pictures ni Desiree ay malalaman na lalaki ang kasarian ng sanggol na kanyang ipinagbubuntis!

“Woot! Woot!!! Had our baby’s gender reveal today with our family…. Booms sister Michelle, My brother Den with my Mom and George and Booms Mom. Our baby says hi!!! Our moms wore pink!!! 5 months today and we are ecstatic to announce that we are having a BOY!!!!” ani Desiree sa kanyang Instagram post.

Credit: @deslois Instagram

Bakas ang kasiyahan sa mukha ni Desiree at Boom at maging ng kanilang pamilya kahit pa gusto ng kanilang mga ina ng isang babaeng apo.

“Just wanted to share with all of you moments we had with the family yesterday during our gender reveal…. Our moms wanted a girl but they were ready with outfits if it was a boy…. our siblings wanted a boy….. but wait, there’s more!!!! For the videos at the end….. sooooo funny!!!” caption ni Desiree sa isang hiwalay na post.

Bumaha naman ang congratulatory messages ng mga tagahanga ni Desiree para sa kanila ni Boom at sa kanilang paparating na sanggol. Komento nila:

“Wow congratulations and God bless”

“Congratulations again!!!”

“Congrats Des & Boom”

Credit: @deslois Instagram

Matatandaang noong May 28, sa mismong 39th birthday ni Desiree, inanunsyo nila ang kanyang pagbubuntis.

Ayon kina Desiree at Boom, noong April 22 lamang nila natuklasan na magiging mommy at daddy na sila.

Taong 2018 nang ikinasal sina Desiree at Boom sa Amerika. Una naman silang nagkakilala sa isang acting workshop, ayon sa kanilang kwento sa kanilang nakaraang panayam.

Credit: @deslois Instagram

Si Boom ay may isa pang anak sa kanyang dating kasintahan na si Angel Jones na si Tony Labrusca na isa ring aktor tulad niya.