Desiree del Valle, soon-to-be-mommy na sa unang anak nila ng kanyang asawang si Boom Labrusca!

Isang napakagandang regalo ang natanggap ng hinahangaang aktres na si Desiree del Valle sa kanyang kaarawan.

Credit: @deslois Instagram

Walang mapagsidlan ngayon ang kaligayahan ni Desiree at ng kanyang asawang si Boom Labrusca dahil magiging mommy at daddy na sila sa pagdating ng kanilang unang baby.

Piniling ibahagi nina Desiree at Boom ang masayang balita na magiging mga magulang na sila nito lamang May 28 sa kani-kanilang Instagram account.

Kasabay ng ika-39 na kaarawan ni Desiree ay ibinahagi ni Boom sa lahat ang isang serye ng mga letrato ng aktres habang nasa isang swimming pool.

Credit: @deslois Instagram

Sa suot na swimsuit ni Desiree ay halatang-halata na ang kanyang baby bump. Bukod sa mga letrato ni Desiree, ibinahagi rin ni Boom ang positibong pregnancy test at sonogram picture ng kanilang baby. Base sa post ni Boom, 17 linggo na ang ipinagbubuntis na sanggol ni Desiree.

Isang Bible verse rin ang ibinahagi ni Boom na naglalarawan ng kanilang pagpapasalamat sa biyayang ipinagkaloob sa kanila ng Panginoon.

“Believe in what you Pray for…’At the right time, I, the Lord will make it happen’ Isaiah 60:22” caption ni Boom sa kanyang post.

Ikwenento rin ni Boom na noong April 22 lamang nila nalaman ni Desiree ang pagdating ng kanilang munting biyaya.

Aniya, “We found out April 22 , 2021. 17 weeks and counting”

Dagdag ni Boom, “Salamat po Ama. Cant wait to see you baby.”

At para sa kaarawan ni Desiree, isang matamis na mensahe ang ibinahagi ni Boom.

“Btw it is also my darling’s b-day today. So Happy Happy bday to my best friend, my wife, my Life,” mensahe ni Boom para sa aktres.

Credit: @deslois Instagram

Masaya naman ang mga kaibigang artista nina Desiree at Boom para sa kanila. Komento nila:

“@jodistamaria: Congratulations des happiest birthday to you”

“kaya_abad: Yay!!!! Congrats mare and boom!!!”

“laraquigaman: Yesy Des! Congratulations”

Credit: @deslois Instagram

“charliedizon_: Waaaah so so happy for you Momma Dear!!! You’re very blooming!!! Love you!!!”

Taong 2012 nang unang magkasama sa Kapamilya teleserye na “Aryana” sina Desiree at Boom. Matapos nga ang anim na taon mula nang gawin nila ang nasabing teleserye ay nagpakasal ang celebrity couple.

Credit: @deslois Instagram

Samantala, noong 2016 ay nakilala ng lahat ang binatang anak ni Boom na si Tony Labrusca matapos itong sumali sa TV show na “Pinoy Band Superstar”. Si Tony ay anak ni Boom sa kanyang dating nobya na si Angel Jones.