Diana Zubiri, ibinahagi ang masayang bakasyon kasama ang napakagandang anak sa beach!

Isa siya sa mga hinahangaang aktres noon dahil sa kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan. Si Diana Zubiri ay unang sumikat sa kanyang mga s3xy role bago siya pumasok sa mainstream television at gumanap sa ilang teleserye at pelikula.

Credit: @dianazubirismith Instagram

Dahil sa kanyang hindi matatawarang galing sa pag-arte ay sobrang hinangaan si Diana ng lahat. Ilan sa mga proyekto ni Diana sa telebisyon ay ang fantasy series na “Encantadia”, “MariMar” at “Bahay Bata”. Kabilang din si Diana sa Kapuso sketch comedy show na “Bubble Gang”.

Sa ngayon naman ay pahinga muna sa pag-arte si Diana para tutukan ang kanyang lumalaking pamilya kasama ang kanyang mister na si Filipino-Australian businessman-model Andy Smith.

Makikita sa mga social media post ni Diana na masayang-masaya siya ngayon sa kanyang buhay bilang isang asawa at nanay sa kanyang mga naggagandahang anak.

Kamakailan lamang ay nagbakasyon sina Diana sa La Jolla luxury beach resort sa Bagac, Bataan. Ibinahagi naman niya sa kanyang Instagram ang ilang masasayang litrato nilang magpamilya.

Credit: @dianazubirismith Instagram

At sa lahat ng kanilang mga larawan, ang umagaw talaga sa atensyon ng maraming netizens ay ang mga cute picture ni Diana kasama ang kanyang napakagandang bunsong anak na si Baby Amira Jade.

Pinuri ng marami ang walang kupas na kagandahan ni Diana at maging ang taglay na kagandahan ng kanyang anak.

Napaka-cute ni Baby Amira Jade habang ngumingiti na hawig sa ngiti ng kanyang Mommy Diana.
Dahil may dugong banyaga kaya naman kakaiba at nakakabighani ang mga mata ni Baby Amira Jade na pinuri naman ng maraming netizen. Komento ng netizens:

“Grabe sobrang ganda ni baby!! And her eyes, my gosh!!”

“Yung mata ang ganda!”

Credit: @dianazubirismith Instagram

“Love her eyes…another beauty quuen in the making”

“Ang ganda naman ng mata ng baby na iyan. Super pretty nio po.”

Mayroong tatlong anak si Diana. Ang kanyang panganay na si King ay anak niya sa kanyang namayapang mister na si Alex Lopez.

Credit: @dianazubirismith Instagram

Nag-asawa nga muli si Diana noong 2015 at pinakasalan niya si Andy. Biniyayaan naman sila ng dalawang anak na sina Aliyah Rose na apat na taong gulang na at si Baby Amira Jade na limang buwang gulang pa lamang.