Dianne Medina at Rodjun Cruz, ibinahagi ang kanilang bagong nakuhang lupa na bunga ng kanilang pagsisikap at pagpupursige bilang mag-asawa!

Bunga ng kanilang pagsisikap at pagpupursige sa trabaho ang bagong nabiling property ng celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz sa Alfonso, Cavite.

Credit: @rodjuncruz Instagram

Sunod-sunod ang biyayang natatanggap nina Dianne at Rodjun sa pagpasok ng bagong taon. Kabilang na nga rito ang pag-iinvest nila sa isang lote sa Alfonso na isa sa kanilang achievement bilang mag-asawa.

Sa kani-kanilang Instagram ay ibinahagi nina Dianne at Rodjun ang mga larawan nila na nakatayo sa kanilang bagong nakuhang lote.

Ayon kay Rodjun, “team work” ang isa sa mga naging susi nila upang matupad ang kanilang pangarap na makabili ng bagong lote na talaga namang isang magandang investment.

Credit: @rodjuncruz Instagram

Ani Rodjun, “Lot investment w/ my wife wife at Alfonso, Cavite! Kaya natin toh @dianne_medina 😍😘🙏🏻 Team work makes the dream work!”

Samantala, kasabay nang pagkuha nila sa lote ay ang pagpirma rin nila Dianne at Rodjun bilang mga endorser ng Cornerstones 8 Realty Corporation, na isang kilalang real estate developer.

Makikita rin sa mga larawang ibinahagi nina Dianne at Rodjun na kasama nila na pumirma ng kontrata sa ilalim ng Cornerstones 8 ang kanilang kasamahan sa industriya na si TV actor Mark Neumann.

Credit: @rodjuncruz Instagram

Pinasalamatan din nina Dianne at Rodjun ang mga tao sa likod ng Cornerstones 8 sa oportunidad na ibinigay ng mga ito sa kanila.

Ani Rodjun, “Thank you Team Cornerstones 8, Sir Vince, Mayora @leslie.ann.uy & Mayor @randysalamat for welcoming us to your family!❤️ To God be the Glory!☝🏻 if you also want to invest contact my wife @dianne_medina 09674314069!🤗 @cruzfit.ph”

Credit: @rodjuncruz Instagram

Saad naman ni Dianne, “CONTRACT SIGNING for @cornerstones8realtycorp Thank you CornerStones8 for choosing and trusting me. Thank you for the warm welcome! Thank you Lord for everything! All glory and honor is yours my Almighty Father 🙏🏻❤️ Thank you Mayor @randysalamat Mayora @leslie.ann.uy @thiolo @breitolentino Sir Vince and to all the staff of CornerStones8 Love you guys! ❤️”

Credit: @rodjuncruz Instagram

Bumuhos naman ang pagbati para kina Dianne at Rodjun mula sa kanilang mga tagahanga dahil sa kanilang bagong nakamit bilang mag-asawa.

“Congrats guys! This is it”

“Sweet”

“congrats po kuya Rodjun and ate dianne”