Dianne Medina, sumang-ayon na kamukha ni Rodjun Cruz ang napakagwapo nilang anak na si Joaquin

Maraming netizens ang natutuwa sa anak ng mag-asawang Dianne Medina at Rodjun Cruz na si Baby Rodolfo Joaquin Diego III. Paano ba naman kasi, bata pa lamang ay napakagwapo na nito. Hindi tuloy mapigilan ng mga netizen na panggigilan si Baby Joaquin.

Credit: Dianne Medina-Ilustre Instagram    

Litaw na litaw rin ang pagiging mestiso ni Baby Joaquin na hindi naman nakapagtataka dahil parehong maputi ang kanyang mga magulang.

Tatlong buwang gulang pa lamang si Baby Joaquin ngunit magmula noong isinilang siya ni Dianne ay tuloy-tuloy na ang pagbibigay niya ng saya sa kanyang mga magulang pati na rin sa mga netizen. Madalas namang pinag-uusapan ng mga netizen kung sino ang kamukha ni Baby Joaquin.

Credit: Dianne Medina-Ilustre Instagram

Sinasabi ng ilan na kamukha ni Joaquin ang kanyang ina na si Dianne, subalit, marami naman ang nagsasabi na mas kamukha niya ang kanyang Daddy Rodjun.

Credit: Dianne Medina-Ilustre Instagram

Hindi naman kailangan pang pagdebatehan ng mga netizen kung sino ang mas kamukha ni Baby Joaquin dahil si Dianne mismo ang nagsabing kamukha ng kanilang anak si Rodjun.

Sa isang Instagram post ay sumusukong sinabi ni Dianne na si Rodjun ang kamukha ni Baby Joaquin. Ipinost ni Dianne ang isang collage ng litrato ni Rodjun noong siya ay sanggol pa lamang at ang litrato ngayon ni Baby Joaquin.

Credit: Dianne Medina-Ilustre Instagram

Base sa litrato ay kumpirmado ngang kamukha ni Baby Joaquin ang kanyang Daddy Rodjun. Tila pinagbiyak na bunga sina Rodjun at Baby Joquin na makikita sa litrato. Sa katunayan, papasa pang kambal ni Rodjun si Baby Joaquin.

“Okay, Si Daddy @rodjuncruz talaga ang kamuka! hahaha,” pahayag ni Dianne sa caption ng kanyang Instagram post.

Sinabi naman ni Dianne na may namana pa rin naman daw si Baby Joaquin mula sa kanya.
Ayon kay Dianne, namana umano ni Baby Joaquin ang kanyang skin color.

Credit: Dianne Medina-Ilustre Instagram

At hindi naman sa pagiging bias, ngunit maging si Dianne ay sumang-ayon na pogi ang anak nila ni Rodjun.

Ani Dianne, “ang gwapo mo naman anak. mahal na mahal kita @babyjoaquinilustre kamukang kamuka mo daddy mo @rodjuncruz skin color ko lang ata nakuha mo hahaha”

Credit: Dianne Medina-Ilustre Instagram

Sina Dianne at Rodjun ay ikinasal noong December 21, 2019 sa Manila Cathedral pagkatapos ng mahigit isang dekadang pagiging magkasintahan.