Diego Loyzaga, masayang isinapubliko na nobya na niya ang aktres na si Barbie Imperial!

Pinag-uusapan ngayon ang pagsasapubliko ng aktor na si Diego Loyzaga sa relasyon nila ni “Bagong Umaga” actress Barbie Imperial. Kinumpirma ni Diego ang relasyon nila ni Barbie nitong January 1 sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Credit: Diego Loyzaga Instagram    

Nag-post si Diego ng litrato nila ni Barbie na magkayakap sa beach. Hindi makakaila sa matamis na tinginan ng dalawa kung gaano sila kasaya at nagmamahalan.

“Happy new year to us [heart emoji],” simula ng caption ni Diego sa kanyang Instagram post.

Credit: Diego Loyzaga Instagram

Pinasalamatan ni Diego ang napakagandang aktres dahil ginawa umano nitong “memorable” ang pagtatapos ng kanyang taon.

“thanks for making the end of my 2020 memorable,” pahayag ni Diego.

Tila excited na si Diego na harapin ang taong 2021 na kasama ang kanyang nobya.

Ani Diego, “Lets gooo 2021!! 🙂”

Credit: Diego Loyzaga Instagram

Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang pagsasapubliko ni Diego sa relasyon nila ni Barbie. Marami sa kasamahan nila ni Barbie sa showbiz ang masaya para sa kanilang relasyon.

Nagkomento naman sa Instagram post ni Diego ang kanyang stepmom na si Sunshine Cruz. Saad ni Sunshine, “You both deserve to be happy! Happy New Year Diegs and my beautiful Cai”

Credit: Barbie Imperial Instagram

Sabi naman ng kapatid ni Diego sa amang si Cesar Montano na si Angelina Cruz, “such cuties!!!!!”

Ani ng kaibigan ni Diego na si Albie Casiño, “IG official d@mn”

November noong nakaraang taon nang unang umugong ang balitang may namamagitan sa magkasintahan matapos magkomento si Diego sa litrato ni Barbie sa Instagram na s3ksing-s3ksi sa suot niyang bikini.

Credit: Barbie Imperial Instagram

Inamin din ni Barbie sa panayam niya sa “Magandang Buhay” noong November 23 na nagpaparamdam umano sa kanya si Diego.

Gayunman, sinabi noon ni Barbie sa panayam na magkaibigan lamang umano sila ni Diego.

Credit: Barbie Imperial Instagram

Sa kasalukuyan, ay wala pa ring opisyal na pahayag si Barbie sa relasyon nila ni Diego. Ngunit kung pagbabasehan ang larawan na inupload ni Diego ay kumpirmado na talagang ang aktor ang nagpapatibok sa kanyang puso ngayon.

Samantala, patuloy pa rin na napapanood si Barbie sa Kapamilya romantic drama series na “Bagong Umaga” kasama ang stepmom ni Diego na si Sunshine bilang kanyang on-screen mother.