Dimples Romana at non-showbiz husband, magbubukas ng isang restaurant business sa bansang Singapore ngayong 2021

Maraming artista na ang nakapagsabi na hindi sila habambuhay mananatiling artista. Kaya naman habang nasa tuktok pa sila ng kanilang karera ay sinisigurado ng ilang mga artista na nakakapag-ipon sila, nakakapagpundar ng mga ari-arian o hindi naman kaya nakakapagpatayo ng mga negosyo.

Credit: Dimples Romana Instagram     

Tulad na lamang ng actress-entrepreneur na si Dimples Romana na ini-invest ang kanyang mga kinikita sa pag-aartista sa pagbili ng mga ari-arian at pagpapatayo ng mga negosyo.

Credit: Dimples Romana Instagram

At sa pagbubukas ng taong 2021, masayang ibinalita ni Dimples na nakatakda silang magbukas ng kanyang mister na si Boyet Ahmee ng isa pang negosyo.

Isang panibagong milestone na naman ang natamo nina Dimples at Boyet sa pagbubukas ng kanilang panibagong restaurant business.

Credit: Dimples Romana Instagram

“Alegria Singapura”, ito ang pangalan ng bagong negosyong ipinapatayo ni Dimples at ng kanyang mga kasosyo sa Singapore na maghahain sa mga tao ng “non-traditional Latin-Asian plates.”

Credit: Dimples Romana Instagram

Samantala, inamin naman ni Dimples na hindi nila inakala ni Boyet na makakapagtayo sila ng isang negosyo sa labas ng bansa.

Ani Dimples, “Never in our wildest dreams did we ever imagine @boyetahmee and I will have a business venture outside of the Philippines and a posh restaurant in Singapore at that”

Credit: Dimples Romana Instagram

Ayon kay Dimples, kasalukuyan nang sinisimulan ang konstruksyon ng kanilang bagong negosyo.

Saad ni Dimples, “@alegriasgp is now on construction phase and will hopefully open end of first quarter of 2021! We are so blessed to have found the best partners @randysalamat @leslie.ann.uy @charlesmontvnez @ridcor @jerome.advincula @myramarqueznunez @manilamoneymaker”

Credit: Dimples Romana Instagram

Para sa “Kadenang Ginto” actress, “2021 is all about going international, bringing Filipino food and culture to the world.”

Payo naman ni Dimples para sa mga nagnanais na magbukas ng kanilang sariling negosyo na maghanap muna ng mga taong may parehong pananaw katulad nila.

Credit: Dimples Romana Instagram

Ani Dimples, “#DimpsTips when you decide to become an entrepreneur, first you must find people who share the same vision as you do.”

Credit: Dimples Romana Instagram

Nakatakdang magbukas ngayong darating na Marso ang bagong negosyo ni Dimples base na rin sa nakalagay na impormasyon sa Instagram page ng Alegria Singapura.