Hindi man napipigilan o nababago ang isip ng anak, walang ibang magagawa si Dimples Romana kung hindi bigyan ito ng kumpletong suporta habang hinahabol nito ang pangarap.
Credit: @dimplesromana Instagram
Masakit man sa pakiramdam na malayo sa mahal natin sa buhay, tanggap naman ng aktres na si Dimples Romana ang desisyon ng panganay niyang anak na si Callie Ahmee kaya bago ito lumipad patungo sa Australia, unti-unti na niya itong sinasanay na maging independent.
Dahil sa husay at galing sa pag-arte, talagang kilala si Dimples bilang isa sa mga sikat na aktres ngayon sa industriya ng showbiz. Sa bawat teleserye o pelikulang pinagbidahan o kinabilangan niya, talagang all-out ang aktres sa pagpapamalas ng kanyang talento kaya naman kahit marami na ang sumisikat na artista ngayon, nananatili pa ring kilala ng karamihan ang pangalan at nabuong reputasyon ni Dimples sa mundo ng entertainment.
Credit: @dimplesromana Instagram
Maliban sa kanyang hindi matatawarang galing sa larangan ng pag-arte, labis din na hinahangaan si Dimples dahil sa mahusay niyang pagbabalanse ng oras at priorities. Abala man sa kanyang Mommy duties, maayos pa rin na nama-manage ng aktres ang kanyang mga negosyo.
Talagang napaka-independent niya kaya naman hindi na rin palaisipan kung bakit nais niyang ituro ito sa kanyang panganay na si Callie na ngayon ay nasa kolehiyo na. Sikat na aktres man ang kanyang Mommy Dimples, wala namang interes si Callie sa pagsunod sa yapak ng kanyang ina dahil may iba siyang pangarap para sa sarili at ito ay ang maging isang piloto.
Credit: @dimplesromana Instagram
Bilang paghahanda sa nalalapit na paglipad ni Callie sa Australia, gusto ni Dimples na sanayin ang anak upang maging independent kaya napagdesisyunan nila ng kanyang asawa na si Boyet Ahmee na bigyan ng sariling bahay ang anak.
“Ate gets the keys to her very FIRST personal space, her own little home that she’s going to live in for a few months to practice,” pahayag ng celebrity Momshie kalakip ng mga larawan ng anak habang proud na ipinapakita ang susi sa sarili niyang bahay.
Credit: @dimplesromana Instagram
Kuwento naman ng aktres, gusto niya sanang dito na lamang mag-aral si Callie ng college ngunit hindi umano niya ito pipigilan na abutin ang pangarao nito sa buhay.
“Gusto ko sabihin na dito ka nalang, pick a safer choice, one that will secure you, a good one but not necessarily one that you WANT, BUT DAD & I will NOT DO that to you,” ayon kay Dimples.
Hindi matatawaran ang husay at galing sa pag-arte, immeasurable rin ang pagmamahal at suportang ibinibigay ni Dimples kay Callie.