Puno ng blessing ang buhay ng aktres na si Dimples Romana. Kasama na rito ang mga property na kanilang nabili, mga bagong negosyo, ang pag-aaral ng kanyang panganay na anak sa Australia, at ngayon ay isa na namang napakagandang blessing ang dumating sa kanya na hindi niya inaasahan.
Credit: @dimplesromana Instagram
Marami ang nagulat sa naging rebelasyon kamakailan ni Dimples na ipinagbubuntis niya ang pangatlong anak nila ng kanyang asawang si Boyet Ahmee.
“And then there were 5 🥺🤰🏻🙏🏻”, caption sa post ni Dimples sa kanyang Instagram account.
Dagdag ng aktres, “Just when we thought life couldn’t get any sweeter , here comes our newest BLESSING baby E 🥰 My heart has never been this FULL”
Credit: @dimplesromana Instagram
Pitong taon pagkatapos huling nagbuntis ni Dimples ay isa na namang blessing ang natanggap nila at ilang buwan na lamang ay magkakaroon na sila muli ng sanggol sa pamilya.
“How amazing is it to experience motherhood, raising a DAUGHTER in college, a son, 7 year old kid and in a few months a NEW BORN 💕 I’m excited to take on the CHALLENGE.”
Hindi pa nireveal ni Dimples ang kasarian at pangalan ng kanilang pangatlong anak ngunit madalas ginagamit ni Dimples ang Baby E bilang pagtukoy sa kanyang ipinagbubuntis na pangatlong anak.
Credit: @dimplesromana Instagram
Kamakailan ay nagkaroon ng mga photoshoot si Dimples. Ang naging tema ng kanyang maternity photoshoot ay Air. Ito umano ang isa sa apat na konsepto ng kanyang maternity shoot.
“AIR. Breathing it like dreams. The past year has been interestingly challenging for our family. A lot has happened. And we have learned so much from every misstep. We are growing. We are rising.”
Marami ang masaya sa panibagong kabanata sa buhay ni Dimples at kasama na dito ang matalik na kaibigan nito na si Angel Locsin.
Credit: @dimplesromana Instagram
Komento ni Angel sa post ni Dimples, “Ayan na!!!!!! Ilang beses na muntik mabuking dahil sakin🙈 sorry na talaga😂”
Credit: @dimplesromana Instagram
Mayroon nang dalawang anak si Dimples at ang kanyang asawa. Ang kanilang panganay ay si Callie na nalalapit na ang paglipad papuntang Australia para mag-aral ng kolehiyo. Ang pangalawa naman ay si Alonzo na 7-years old na ngayon.