Dimples Romana, bumalik muli sa pag-aaral at ngayon ay proud student sa isang kilalang unibersidad sa Amerika!

Tunay na inspirasyon sa maraming tao si “Viral Sc@ndal” star Dimples Romana. Bukod sa siya ay isang mahusay na aktres, matagumpay ding negosyante si Dimples na namamahala ng iba’t ibang negosyo mula sa real-estate hanggang sa mga restaurant.

Credit: @dimplesromana Instagram

Kilala din si Dimples ng lahat bilang isang ulirang ina sa kanyang dalawang anak at asawa kay Boyet Ahmee. Pero higit sa lahat marami ang humahanga kay Dimples dahil sa hindi niya pagsuko sa kanyang mga pangarap, kung saan ginagawa niya ang lahat para makamit ito sa pamamagitan ng tiyaga, pagsusumikap, at pananampalataya sa Diyos.

Lingid sa kaalaman ng lahat, sa edad na 12 ay nagtatrabaho na sa showbiz si Dimples. Maaga rin siyang naging breadwinner ng kanyang pamilya matapos pumanaw nang maaga ang kanyang papa.

At kahit hindi niya natapos ang kanyang kursong Tourism sa University of Santo Tomas at Culinary naman sa Enderun Colleges para suportahan ang pag-aaral ng kanyang kapatid, masaya naman si Dimples sa dalawang taon niyang pag-aaral sa kolehiyo. Maaga ring naging ina at asawa si Dimples.
Gayunpaman, sa kabila ng ilang beses niyang paghinto sa pag-aaral, hindi ito naging hadlang upang hindi abutin ni Dimples ang pangarap niyang makapag-aral.

Credit: @dimplesromana Instagram

At kamakailan, masayang ibinahagi ni Dimples sa kanyang milyon-milyong followers sa Instagram na siya ay kasalukuyang estudyante ng New York University (NYU) Continuing Education Courses, kung saan kumukuha siya ng klase sa “Analyzing the Digital Consumer” .

Ang nasabing klase ay kinakailangang kunin sa ilalim ng kursong Marketing and Public Relations Certificate in Social Media, na dapat naman niyang makumpleto sa loob ng 3 taon.

“Getting ready for today’s @nyuniversity class 💜💜💜 Let’s do this!! 😉🥰💋
Morning!!!” pahayag ni Dimples sa kanyang post.

Credit: @dimplesromana Instagram

Dagdag pa niya, “Don’t forget that today, you can still CHOOSE TO DO THINGS THEY SAID YOU CANNOT DO.”

Sa isang hiwalay na post, nagbahagi naman si Dimples ng ilang larawan niya kung saan ibinida niya ang kanyang fresh at glam look.

Sa caption ay pinayuhan naman ni Dimples ang maraming kababaihan na gawin kung ano ang gusto nilang gawin at huwag magpapaapekto sa sasabihin ng iba.

Aniya, “Don’t ever dim your light for anyone Chin up queens!…Never let them get to you! everyone deserves to be heard, seen, listened to, everyone deserves to shine and SOAR. Bloom at your own pace, grow in love, faith and hope.”

Credit: @dimplesromana Instagram

Sa kasalukuyan ay nasa Amerika rin ang mga anak at asawa ni Dimples para magbakasyon.

Matatandaang mas nakilala si Dimples ng marami matapos niyang gampanan ang karakter ni Daniela Mondragon-Bartolome sa Kapamilya drama series na “Kadenang Ginto” noong 2019.