Dimples Romana, ibinuking sa isang nakakatuwang video ang “hidden talent” ng kanyang mister na si Boyet Ahmee

Sa likod ng tagumpay ng aktres na si Dimples Romana ay ang kanyang mister na si Boyet Ahmee at ang kanilang dalawang anak na sina Callie at Alonzo na palaging sumusuporta sa kanya.

Credit: @dimplesromana Instagram

Madalas naman kaaliwan ng maraming netizens ang pamilya ni Dimples lalo na si Boyet dahil likas itong mapagbiro at game na game sa trip ng kanyang mga anak.

Updated din si Boyet sa mga hilig ng kanyang mga anak tulad ng paggawa ng mga TikTok video. Bukod dito, pinasok na rin ni Boyet ang pagba-vlog at sa ngayon unti-unting tumataas ang kanyang mga subscriber.

Ngunit alam ba ninyo na kamakailan lamang ay may ibinunyag si Dimples tungkol kay Boyet?

Credit: @dimplesromana Instagram

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Dimples ang isang video kung saan mapapanood si Boyet na natutulog habang hawak pa ang kanyang cellphone.

Sobrang nakakaaliw ngang panoorin si Boyet sa video dahil kahit halatang inaantok na ito ay hindi pa rin nito binibitiwan ang kanyang hawak na cellphone.

Ayon pa kay Dimples, “hidden talent” daw talaga ng kanyang mister na manood mula sa kanyang cellphone habang nakapikit ang mga mata.

Credit: @dimplesromana Instagram

Pambubuking din ni Dimples na nagagalit pa umano si Boyet sa tuwing kinukuha niya ang cellphone nito.

Ani Dimples, “Galit pa yan pag kinuha mo telepono 🙄 (Hidden Talent: watching with eyes closed and making sure phone doesn’t fall on your face👏🏻 )”

Kapag sinusubukan naman daw ni Dimples na kunin ang cellphone ni Boyet ay sinasabihan umano siya nito na huwag maging magulo dahil nanonood pa siya kahit naman nakapikit na ang kanyang mga mata.

Credit: @dimplesromana Instagram

Samantala, matapos i-post ni Dimples ang nasabing video ni Boyet ay lumabas na hindi lang pala siya ang nakararanas nito sa kanilang mga mister.

Marami kasing netizens ang naka-relate kay Dimples dahil maging ang kanilang mga mister ay hidden talent din ang panonood sa kanilang cellphone habang nakapikit. Komento ng netizens:

“Same po kay hubby pag sinabihan pa magagalit”

Credit: @dimplesromana Instagram

“ganyan na ganyan din asawa ko…tapos pag kinuha mo sasabibin niya nanonood pa daw siya”

“Naku ganitong ganito ang asawa ko!”

“haha ganyan din po yung husband ko pag kinukuha ko na yung phone nagagalit kasi nanonood daw siya pero tulog naman”

Sa ngayon, halos umabot na sa 300K ang nakapanood sa nakakaaliw na video ni Boyet sa Instagram.