Dimples Romana, ibinunyag ang sikreto sa likod ng kanyang weight loss sa kabila ng hindi pag-eehersisyo sa loob ng dalawang buwan

Matatandaang noong nakaraang buwan ng Abril lamang ay inihayag ni Dimples Romana sa kanyang vlog na magsisimula na siya sa kanyang fitness journey. Sa vlog ay mapapanood ang kanyang pagsabak sa isang group exercise bilang unang hakbang niya para ma-achieve ang mas healthier at masayang buhay.

Credit: @dimplesromana Instagram

At ilang buwan lamang matapos niyang simulan ang kanyang fitness journey ay pinahanga naman ni Dimples ang lahat dahil sa malaking improvement na makikita sa kanyang katawan. Ilang buwan lamang kasi ang makalipas ay kapansin-pansin na nabawasan ang kanyang timbang at malaki ang kanyang ipinayat.

Dahil dito kaya naman marami ang nagtatanong kung ano ang workout routine ni Dimples, karamihan pa rito ay mga katulad niyang busy at isang working mom.

Ngunit kamakailan lamang ay ibinunyag ni Dimples na dalawang buwan na siyang hindi nagwo-workout.

Credit: @dimplesromana Instagram

Inamin ito ni Dimples sa kanyang Instagram post kung saan ay ibinahagi niya ang kanyang litrato kung saan litaw na litaw ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Pag-amin pa ni Dimples, kahit gusto niyang mag-ehersisyo ay hindi niya ito magawa dahil sa sunod-sunod na responsibilidad na kailangan niyang gampanan bilang isang artista at negosyante.

Credit: @dimplesromana Instagram

“I have not exercised in two months. It was really the dietary adjustments I made that contributed to the weight loss,” pahayag ni Dimples.

Dagdag niya, “Much as I wanted to, I’m unable to do much of exercise since I had to lay ground as a newbie CEO of our own production team and setting up our creative school, may duties din ako as an actress because our teleserye is showing very soon plus all my branded shoots and hostings pa which I super enjoy doing…”

Credit: @dimplesromana Instagram

Payo naman ni Dimples sa lahat ng mga gustong magsimula sa kanilang fitness journey na isipin munang mabuti kung bakit kailangan nilang magkaroon ng “lifestyle change.”

Napagtanto umano kasi niya na, “kadalasan we push ourselves to do what others are doing kahit hindi yung bagay sa lifestyle natin.”

Credit: @dimplesromana Instagram

Nangako naman si Dimples sa kanyang followers na sa mga susunod na araw ay ibabahagi niya ang ilang “easy, quick exercise routines” na pwedeng gawin ng mga katulad niyang tila walang oras para mag-ehersisyo dahil sa dami ng trabahong kailangan nilang asikasuhin.

“In the coming days I will share with you easy, quick exercise routines you can do while you’re working and doing tons of mommy chores like me haha para sabay tayo,” saad niya.

Credit: @dimplesromana Instagram

Samantala, mapapanood sa YouTube channel ni Dimples ang ilan niyang “fitness, health and wellness” tips.