Dimples Romana, ipinasilip ang nabiling napakalaking lupain sa Cavite na itinuturing niyang kanyang ‘prayer sanctuary’

Isa sa mga hinahangaan ng tao tungkol kay Kapamilya actress Dimples Romana bukod sa galing niya sa pag-arte, ay ang kakayahan niyang mapalago ang kanyang pinaghirapang pera sa pamamagitan ng pag-iinvest.

Credit: Dimples Romana Official YouTube     

Sa kanyang recent vlog na inupload sa YouTube, ay binalikan ni Dimples ang araw kung kailan siya nagsimulang makipagsapalaran sa pagbili ng mga real-estate property. Ipinasilip ni Dimples sa vlog ang unang lupang nabili niya na matatagpuan sa Alfonso, Cavite.

Sa vlog, ibinahagi ni Dimples kung paano niya nabili ang farm-land. Aniya, pinili niyang huwag munang bumili ng bagong kotse noon para mabili ang farm-land.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Habang tumitingin kasi siya ng mga classified ad ay nakita niya ang farm-land. Agad namang nabighani si Dimples sa lugar ng Alfonso kaya’t napili niyang makipagsapalaran sa pagbili ng lupa doon. May oras pa umanong tinanong niya ang kanyang sarili kung kaya niya bang bayaran ang lupa. Sa awa ng Diyos, ay nabayaran at nabili naman ng aktres ang farm-land.

Sa ngayon, ay itinuturing ni Dimples na isang ‘prayer sanctuary’ ang kanyang farm-land sa Alfonso.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Aniya, “It has been my sanctuary for almost 10 years now. Every time nasa Alfonso ako, pakiramdam ko close kami ni Lord. Kasi ang lamig, ang simoy ng hangin, tahimik, beatiful people. ‘Yun palang worth it na lahat ng pagod tsaka pawis.”

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Dagdag ni Dimples, “Gustong-gusto ko dito sa Alfonso…I feel like it’s a sanctuary. I really feel like Alfonso gives you the feels na, ‘you can dream bigger…”

Dahil daw sa Alfonso, kaya ngayon pakiramdam ni Dimples at ng kanyang asawang si Boyet Ahmee na ayos lang makipagsapalaran.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Aniya, “Boyet and I we’ve always felt na parang it’s okay to invest and it’s okay to take calculated risks and take the leap of faith every time because of the Alfonso property. It was because of that property that we felt pwede kaming maging matapang ulit.”

Dagdag pa ni Dimples, “Living in a place like this, truly, is the life.”

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Ipinakita rin ni Dimples sa vlog ang iba’t ibang aning prutas at mga gulay mula sa farm. Kabilang sa mga tanim ni Dimples sa kanyang farm ay rambutan, durian, lanzones, saging at marami pang iba.

Sa huli, ay hinikayat ni Dimples ang lahat na mag-invest sa isang property na kagaya ng Alfonso.
Mensahe ni Dimples sa lahat, “I think it’s very important that if you are able then you should really go out of your way and find a place as beautiful as Alfonso and invest your hard-earned money and enjoy life.”

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Sa kasalukuyan, umabot na sa sampung real-estate property ang nabili nina Dimples at Boyet sa loob ng 16 na taon nilang pagiging mag-asawa.