Dimples Romana, labis na ipinagmamalaki ang 17-taong gulang na anak na si Callie dahil sa galing nito sa pagnenegosyo!

Hindi maiwasan ni Dimples Romana na maging proud sa kanyang panganay na anak na si Callie Ahmee na ngayon ay unti-unting gumagawa ng kanyang sariling pangalan sa mundo ng pagnenegosyo.

Credit: @callieahmee Instagram

Sa edad kasi na 17 ay nakapagtatag na si Callie ng kanyang sariling negosyo na “Cal The Brand” kung saan adhikain nitong i-promote ang mga “locally made” o gawang Pinoy na rattan bag.

Ayon kay Dimples, sobra siyang namangha sa pagiging hands-on at galing ni Callie sa pamamahala ng sarili nitong negosyo sa puntong hindi na umano ito humihingi ng tulong sa kanila ng kanyang mister na si Boyet.

Credit: @callieahmee Instagram

Maliban dito, proud din si Dimples dahil nagawang ipagsabay ni Callie ang kanyang pag-aaral at pamamahala sa negosyo nito.

Ani Dimples, “‘Yung totoo, nagugulat ako. Noon pong nag-media conference, ‘di ba kapag media conference iniisip mo, dahil ako ‘yung artista, maraming tanong sa akin. Pero halos lahat ng tinanong nila ay si Callie.”

Credit: @callieahmee Instagram

Patuloy ni Dimples, “At ako, para bang natulala ako na anak ko itong nagsasalita. Anak ko ito. Parang, ‘yun bang walang mapagsidlan ang saya ng puso ko na itong teammate kong si Boyet (asawa niya), ano kami, we are a team, we made this possible for her.”

Bilang isang magulang, kampante at proud naman si Dimples dahil napaka-independent ni Callie.

Ani Dimples, “Kasi, much as I want to be with Callie every step of the way, I can’t be there for her. But to know that she can handle herself this way and that she cares for other people, makes me very proud as a parent.”

Credit: @callieahmee Instagram

Dagdag ni Dimples, “Puwede pala ‘yun, ‘yun bang hindi kami pareho ng expression ng sarili pero ang galing-galing niya, ang husay-husay niya. Every time I see Callie I feel like I’ve done something right.”

Samantala, ikwenento ni Callie na noong February 2019 pa niya sinimulan ang kanyang negosyo ngunit nito lamang umanong kasagsagan ng p@ndemya tuluyan itong na-materialize.

Matatandaang December 2020 lamang inilunsad ni Callie ang “Cal The Brand” na kaagad namang pumatok sa mga mamimili.

Credit: @callieahmee Instagram

Sobrang nagpapasalamat naman si Callie sa kanyang mga magulang dahil sa suporta na ibinibigay ng mga ito sa kanya.

Ani Callie, “I’m super grateful, like, beyond words po. I think I just translate it through hugs or handwritten letters.”

Credit: @callieahmee Instagram

Dagdag niya, “It really is beyond words na they really took the time to—out of their busy schedules, especially Ma—to help me, and even if they don’t directly help me, they’re just there. Whenever I encounter any problems, they’re there to console me. I’m grateful for everything.”

Nakatakdang mag-aral si Callie ng kolehiyo sa Australia ngayong taon upang tuparin ang kanyang pangarap na maging isang piloto.