Dimples Romana, mahusay na naipagsasabay ang work, pag-aaral, at pagiging Mommy!

Maraming pinagkakaabalahan? Aba’y hindi ‘yan sobrang hirap para kay Dimples Romana dahil kayang-kaya naman niyang pagsabayin ang lahat ng ginagawa. Empowered yan?

Credit:Β @dimplesromana Instagram

Kumakailan lamang nang bumuhos ang sobrang daming blessing sa buhay ni Dimples Romana at ng kanyang pamilya. Maliban sa kanyang opportunities sa mundo ng showbiz kung saan ay kabilang siya ngayon sa cast ng teleseryeng “Viral Scandal” kasama sina Joshua Garcia at Charlie Dizon, abala rin ang aktres sa pagpapatakbo ng sariling negosyo. Kahit busy man, maayos pa rin na naba-balance ni Dimples ang kanyang oras dahil nakakapagbonding pa rin naman siya kasama ang asawa at mga anak na sina Callie at Alonzo.

Simula pa lamang noong nakaraang taon, nag-aaral din ang aktres sa sikat at prestigious na university sa New York at kasalukuyan ngayong kumukuha ng certificate course na Marketing and Public Relations in Social Media. Abala na nga sa pagiging responsableng Momshie, businesswoman, at pagiging aktres, nagagawa pa rin ni Dimples na mag-excel sa klase dahil kumakailan lamang nang proud niyang ibinahagi sa social media ang matataas niyang grades.

Credit:Β @dimplesromana Instagram

“Celebrating simple joys and small victories for this preggy momma πŸ’œπŸ€°πŸ»πŸ€£ These are my grades from my past classes and my most recent class πŸ’•πŸ’‹πŸ’œ,” sulat ng aktres sa kanyang caption kalakip ng isang screenshot kung saan ay makikita ang kanyang A’s sa lahat ng subject.

Credit:Β @dimplesromana Instagram

Dahil sa achievement ni Dimples, hindi niya mapigilan na makaramdam ng “empowerment” kasi hindi naman biro para sa isang working Momshie na pagsabay-sabayin ang lahat pati na ang kanyang pag-aaral.

Ayon sa aktres, “I can’t begin to tell you just how empowered I feel now as a woman!”

Credit:Β @dimplesromana Instagram

Bagama’t busy man, hindi pa rin naman nakakaligtaan ni Dimples na i-fulfill ang kanyang “wifey duties” lalo na’t naghahanda na ngayon ang kanyang panganay na si Callie sa kolehiyo at nagiging makulit na rin si Alonzo. Bukod dito, ipinagbubuntis din ng aktres ang ikatlong anak nila ng asawang si Boyet Ahmee.