Mahalagang bahagi ng ating pagkatao ang kulay ng ating buhok at hairstyle. Madalas na unang napapansin ng mga tao tungkol sa atin ay ang kulay ng ating buhok o hindi naman kaya ang bago nating hairstyle.

Nangangahulugan din na kapag binago natin ang ating hairstyle o kulay ng ating buhok ay nakakaranas tayo ng mga pagbabago sa ating sarili o sa pananaw natin sa buhay. Ito rin ang dahilan kung bakit naging isang trend na tuwing bagong taon na magpagupit o magpakulay ng buhok. At sa pagkakaroon natin ng bagong hairstyle, nagkakaroon din tayo ng mga bago at positibong pananaw sa buhay.

Isa lamang si “Kadenang Ginto” actress Dimples Romana sa mga taong hindi takot sa pagbabago. Sa pagpasok ng bagong taon ay mas naging bukas si Dimples na subukan ang isang hair color na hindi pa niya kailanman nasusubukan noon – ang isang kulay pink na hair color.
Nitong January 3, ipinakita ni Dimples ang kanyang pink colored hair. Proud na nag-pose si Dimples sa mga litrato sa kanyang bagong hair color. H0t at looking fresh si Dimples sa kanyang pink hair na nagbigay ng kakaibang dating sa kanyang imahen.

At para sa kanyang #DimpsTips ngayong 2021, payo ni Dimples sa lahat na huwag limitahan ang sarili at mag-explore.
Ani Dimples, “Felt cute might delete never 😉🦄 maybe this look for another project? ♏️ #DimpsTips2021 for Day 3 , refuse to be put in a box. Explore, discover and release your inner fierce boss lady 💋💕”

Maraming netizens naman ang nagkomento na bagay na bagay kay Dimples ang kanyang pink colored hair. Komento nila:
“Super bagay ma!!!”
“Sobrang bagay!!! Pinay heroine please!!!!”

“Wow! Bagay!”
“Pak! Love the hair”
Hindi naman talaga maitatanggi na bagay kay Dimples ang pink colored hair. Ngunit sa bagong social media update ni Dimples ay balik na naman siya sa kanyang dark hair color.

Ayon kay Dimples, kailangan niyang ibalik ang dating kulay ng kanyang buhok bilang paghahanda sa mga darating na TV project niya.

Ani Dimples, “Going back to my dark hair color in preparation for MMK and teleserye 🤗 a blessing filled 2021 indeed 💝 “