Dimples Romana, naging emosyonal nang batiin ang anak na si Callie Ahmee sa ika-18 kaarawan nito

Hindi napigilan ng aktres at entrepreneur na si Dimples Romana na maging emosyonal sa kanyang mensahe para sa kanyang panganay na anak na si Callie Ahmee na nagdiriwang ng kanyang ika-18 kaarawan.

Credit: @dimplesromana Instagram

Napakabilis nga talagang lumipas ng panahon dahil ang ipinagbubuntis ni Dimples sa edad na 19 ay dalaga at ngayon ay nasa hustong gulang na. Kaya naman isang madamdaming mensahe ang ipinabatid ng phenomenal “Kadenang Ginto” star para sa kanyang unica hija sa pamamagitan ng isang Instagram post nitong December 13.

Sa simula ng kanyang mensahe, nagpasalamat si Dimples kay Callie sa pagbibigay sa kanya ng lakas at direksyon sa buhay.

“She who says “THANK YOU FOR TODAY MOM” at the end of every day. She who gave me roots I can always rely on to ground me. A quiet strength I never thought I’d have. She and her tiny little toes some 18 years ago, GAVE ME DIRECTION. And I have been walking with my chin up every since. @callieahmee You gave me courage, the kind that makes you feel you can SURVIVE and CONQUER it all,” saad ni Dimples.

Credit: @dimplesromana Instagram

Dagdag pa niya, tinuruan siya ni Callie kung paano magmahal sa maraming paraan.

“You taught me to LOVE with no conditions and no boundaries. A love that chooses PEACE over CHAOS. A love that wants you to be happy – wants you to succeed. A love that BRING US BACK HOME,” pahayag ni Dimples.

Sunod nito ay madamdamin namang binati ni Dimples si Callie ng maligayang kaarawan. Pag-amin pa ni Dimples, si Callie ang dahilan kung bakit muli siyang nabigyan ng bagong dahilan para mabuhay 18 taon na ang nakakaraan.

“Happiest birthday to our future pilot , Queen and business tycoon, YOU MADE US FAHMEELY. I will never forget how your tiny beating heart about 18 years ago, REVIVED MINE,” ani Dimples.

Credit: @dimplesromana Instagram

At bagama’t hindi sila magkakasama sa kaarawan ni Callie dahil kasalukuyang nag-aaral ang huli sa Australia, nangako naman si Dimples na bibisitahin niya ang anak sa lalong madaling panahon.

“I love you Ate. I’m so sorry Mom can’t be there with you to celebrate your 18th birthday. I HAVE NO EXCUSE. I’ll see you in a few weeks,” pangako ni Dimples sa anak.

Credit: @dimplesromana Instagram

Lingid sa kaalaman ng lahat, naninirahan ngayon sa Australia si Callie habang kinukuha ang kanyang ‘dream course’ na Bachelor of Business Major in Aviation Management sa kanyang ‘dream school’ na Southern Cross University sa Australia.