Dimples Romana, nagulat nang magdasal ang bunsong anak habang dinidisiplina niya

Nagsisimula talaga sa bahay ang pagkakaroon ng mabuting asal at sa gabay ng mga magulang, paniguradong lalaki ng maayos ang mga bata.

Credit:Β @dimplesromana Instagram

Sa patuloy na pagbabago ng mundo, unti-unti na ring nakakaligtaan ng karamihan na magturo ng mabuting asal sa mga bata ngunit may iilan pa ring magulang na kahit anong busy man sa kanilang trabaho ay hands-on pa rin sa pagpapalaki at sa paggabay sa kanilang anak upang magkaroon ng magandang attitude.

Abala ngayon sa teleseryeng “Viral Scandal” kasama sina Joshua Garcia at Charlie Dizon, napaka-busy talaga ni Dimples Romana. Maliban sa pagiging aktres, may pinapangunahan rin siyang negosyo kaya naman kung tutuusin, halos wala na siyang oras para sa ibang bagay ngunit nagagawa pa rin niyang matutukan ang kanyang dalawang anak na sina Callie at Alonzo.

Bukod sa kahanga-hangang pagganap ni Dimples sa bawat karakter niya, labis din siyang kinabibiliban ng kanyang fans pagdating sa parenting dahil sadyang napaka-natural niya sa pagiging Mommy.

Credit:Β @dimplesromana Instagram

Of course, sa kagustuhan ng aktres na mapalaki ng maayos at may mabuting asal ang kanyang chikiting na si Alonzo, talagang dinidisiplina niya ito kapag mayroong pagkakamali.

Kamakailan lang nang nagbahagi ng maikling video sa Instagram si Dimples kung saan ay mapapanood ang bunsong anak nila ng asawang si Boyet Ahmee na nakaharap sa dingding at nagdadasal.

Mukhang may nagawang pagkakamali si Alonzo kaya naman isinailalim siya ng kanyang mga magulang sa ‘discplinary action’ upang pagsisihan at mapagtanto nito ang kanyang kasalanan ngunit ganoon na lamang ang gulat ng kanyang Mommy Dimples nang hindi man lang nakitaan ng kahit anong galit o pagtatampo ang anak.

Credit:Β @dimplesromana Instagram

“When you ask your child to stand in the corner as a form of disciplinary action, Tapos nakita mo imbis na magalit, magdabog, magkutkot ng paint sa wall (Gaya ko πŸ˜†) NAGDADASAL sya πŸ₯ΊπŸ˜†β˜ΊοΈπŸ₯΄ #AlonzoRomeoJose anak naman eh πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…,” kuwento ni Dimples.

Dahil sa nakakagulat na attitude ng anak, hindi napigilan ng aktres na tanungin ang anak kung ano sinabi nito kay God.

“I asked him what he was saying in prayer. And he said, ‘I asked God if I am a BAD PERSON and if he was disappointed in me mom because I did bad things.’ (Jusko Hindi naman talaga bad, Pero dito kasi sa amin, bata pa lang we stress out certain moral values na and really implement them by heart ❀️),” ayon kay Dimples.

Credit:Β @dimplesromana Instagram

Dahil sa wholesome na post na ito ng celebrity Momshie, talagang puring-puri ang netizens sa paraan ng pagdidisiplina ni Dimples sa anak at sa pagkakaroon ng magandang attitude ni Alonzo sa napakamurang edad.