Dimples Romana, pinamangha ang netizens matapos niyang ipinasilip ang mas fit na katawan

Pina-wow ng Kadenang Ginto actress na si Dimples Romana ang kanyang followers sa Instagram matapos niyang ipakita ang bunga ng kanyang fitness journey isang buwan pagkatapos niyang simulan ito.

Credit: @dimplesromana Instagram

Upang ipakita ang pagbabago sa kanyang katawan ay isang before and after photo ang ibinahagi ni Dimples.

Ang unang larawan ay kinunan noong May 26 habang ang isang larawan naman ay kinunan noong June 29. Hindi maikakaila ang pagbabago sa hugis ng katawan ni Dimples base sa mga larawan na kanyang ibinahagi.

Credit: @dimplesromana Instagram

Makikita sa ipinakitang recent photo ni Dimples na malaki ang nabawas sa kanyang timbang kahit pa isang buwan pa lamang ang makalipas bago niya sinimulan ang kanyang fitness journey. Ibinida ni Dimples ang kanyang mas manipis na tiyan at mas payat na mga braso at binti ngayon.

Bukod dito ay kapansin-pansin din ang pagkakaroon ng kurba ng katawan ni Dimples malayo sa dating hugis ng kanyang katawan.

Credit: @dimplesromana Instagram

Sinabi naman ni Dimples sa caption ng kanyang post na kaya niya ibinahagi ang ‘first month progress’ ng kanyang fitness journey ay upang ipaalala sa kanyang sarili ang layo na ng kanyang narating.

Gusto ring bigyang diin ni Dimples na gaano man kaliit o kalaki ang pagbabago na kanyang nakakamit ay matatawag pa rin itong ‘progress’. Isang aral na natutunan umano niya sa kanyang panganay na anak na si Callie Ahmee.

Credit: @dimplesromana Instagram

“First month progress report ☺️🥰😍 Posting this here to remind myself how far I’ve come 😘 I guess when we’re beginning our fitness and health journey, often nakakapanghina ng loob when you do so much yet you still feel like you’re achieving very little – but then Sabi nga ng boss ko dito sa bahay @callieahmee PROGRESS is PROGRESS,” pahayag ni Dimples.

Credit: @dimplesromana Instagram

Ipinahayag din ni Dimples ang kanyang kaligayahan dahil sa kasalukuyan ay nararamdaman niyang mas malusog at mas malakas na siya kumpara noong hindi pa siya nagsisimula sa kanyang fitness journey.

Ani Dimples, “[Happy] to be able to fit into my old clothes AGAIN (tipid because I don’t have to buy anymore 😅😂), think more clearly, my skin even got more radiant, and somehow I feel lighter in spirit and so much healthier and stronger 🤍and INSPIRED…”

Credit: @dimplesromana Instagram

Matatandaang noong nakaraang buwan ay ipinagdiwang ni Dimples ang kanyang unang buwan ng intermittent fasting, isa sa mga paraan na ginagawa niya upang magbawas ng timbang.