Lubos ang kasiyahan ng Kapamilya actress na si Dimples Romana sa pagtatapos ng kanyang panganay na anak na si Callie sa high school na kanyang ibinahagi sa Instagram at kanyang Facebook page kasama ang ilang larawan.
Credit: @dimplesromana Instagram
“Ngayong araw na ito ay espesyal para sa pamilya namin. Today we celebrate our graduate @callieahmee 🎓 (incoming college na sya 🥺😍) Sa lahat ng mga magulang na kagaya namin ni @boyetahmee @papaboyetonline this day is a day we’ve always prayed for, worked hard for and hoped for,” caption sa nasabing post ni Dimples.
Credit: @dimplesromana Instagram
Pinasalamatan din ni Dimples ang anak sa pagtatapos nito ng may karangalan, at ibinahagi ang paghanga dito at sa mga estudyanteng patuloy na nag-aaral sa kabila ng mga pagsubok at hirap ng kasaluluyang sitwasyong dulot ng p@ndemya.
Credit: @dimplesromana Instagram
“Ang hirap ng panahon ngayon, the struggles and hardships that our students have to go through are not easy. And often as a parent, we come across situations where there is just nothing else we can do but let our children figure things out for themselves. Eto na yung natututo tayo to LET GO and LET GOD,” patuloy na saad ni Dimples sa nasabing post.
Credit: @dimplesromana Instagram
Ibinahagi ng aktres ang kanyang paghanga sa anak na gumawa ng paraan sa panahong ang mga magulang ay hindi na halos makaagapay at kinailangang ipaubaya sa mga anak ang kanilang tagumpay.
Credit: @dimplesromana Instagram
Sa kabila ng mga naging pagsubok, makikita sa mga family pictures sa nasabing post na punung-puno ng kasiyahan ang kanilang pamilya sa pagtatapos ng kanilang panganay. Sa mga larawang ito kasama din ang pinakamamahal nilang kasambahay na naging parte na ng kanilang pamilya. Hindi din naman nawala ang kanilang wacky photos na kinagiliwan ng mga netizen.
Credit: @dimplesromana Instagram
Ang mga larawang ito ang nagpapatunay at nagpapakita sa kasiyahan ng buong pamilya na sa kabila ng hirap ng mga pagsubok ay matagumpay na natapos ni Callie ang pag-aaral at ngayon nga’y nakahanda na sa kolehiyo upang patuloy na abutin ang kanyang pangarap at tuparin ang kanyang layunin sa buhay.