Dimples Romana, time-out muna sa pagtatrabaho matapos magbakasyon sa El Nido, Palawan kasama ang buong pamilya!

Ngayong holiday season, time-out muna sa pagtatrabaho ang ilan sa mga hinahangaan nating artista para makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.

Credit: @dimplesromana Instagram

Gaya na lamang ng aktres na si Dimples Romana na matapos ang matagumpay na pagtatapos ng sh00ting ng kanilang teleseryeng “Viral Sc@ndal” ay agad na lumipad patungong El Nido, Palawan kasama ang asawang si Boyet Ahmee at ang kanilang dalawang anak na sina Callie at Alonzo .

Sa kabila nga ng abalang career ni Dimples, sinigurado niyang ngayong panahon ng kapaskuhan naka-break muna siya sa showbiz para makasama ang kanyang pamilya.

Ipinasilip naman ni Dimples ang masayang beach trip ng kanyang pamilya sa El Nido sa kanyang Instagram account kung saan ibinahagi niya ang ilang larawan nila ng kanyang pamilya habang nag-eenjoy at nagbababad sa magandang white sand beach ng Palawan.

Credit: @dimplesromana Instagram

Sa isang serye naman ng mga larawan, makikitang nagkaroon pa ng isang mini-beach photoshoot si Dimples kung saan kapansin-pansin ang kanyang saya at glow sa suot niyang isang white dress.

Caption ni Dimples sa kanyang IG post, “Sea, sand, salt and sun. This momma is happy, now some cake please?”

Sa isang hiwalay na post, pinahanga naman ni Dimples ang netizens nang ibida niya ang kanyang ‘El-Nido tan skin.’

Credit: @dimplesromana Instagram

Tanong ni Dimples sa kanyang fans, “El Nido tan. Havent been this golden in a while… bagay naman?”

Siyempre, hindi mawawala ang mother-daughter bonding ng aktres kasama ang kanyang unica hija na si Callie na kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanyang 18th birthday at kasalukuyan nag-aaral sa kolehiyo para maging isang piloto.

Sa kanyang post na may caption na “Day well spent in PARADISE” makikitang feeling bagets si Dimples habang nakikipag-selfie kasama ang kanyang panganay.

Credit: @dimplesromana Instagram

Bukod naman sa pagligo sa dagat, namasyal din sina Dimples sa The Big Lagoon sa El Nido kung saan ibinahagi pa niya ang nakakaaliw na reaksyon ng kanyang bunso na si Alonzo na namangha sa ganda ng lagoon.

Credit: @dimplesromana Instagram

Samantala, kasama ring nagbakasyon ni Dimples sa El Nido ang co-star niya sa “Viral Sc@ndal” na si Charlie Dizon. Lingid sa kaalaman ng marami, naging malapit si Dimples sa young actress nang gumanap ito bilang kanyang anak sa nasabing teleserye.