Maraming artista ngayon ang hindi muna gagawa ng proyekto at magbabalik-trabaho bilang pag-iingat na hindi mah@w@an ng c0vid.

May ilang celebrity naman ang nahihirapan na mag-adjust sa “new normal” sa pagti-taping kagaya na lamang ng pagsabak sa mga lock-in taping.

Isa na nga rito si Kapuso “Primetime Queen” Marian Rivera na napagpasyahan na mag-back out sa seryeng pagbibidahan sana nito na “First Yaya” kasama si Gabby Concepcion.

Sa isang panayam ay sinabi ni Marian na hindi niya kayang sumabak sa tatlong linggo hanggang isang buwan na lock-in taping para sa serye.
Inihayag naman ni Kapuso “Primetime King” Dingdong Dantes ang kanyang pagsuporta sa desisyon ng kanyang asawa na hindi na bumida sa serye.

Sa ginanap na online media conference para sa pagbabalik ng kanyang pinagbibidahang hit-Korean drama series na “Descendants of the Sun” (Philippine Adapatation) sa Kapuso Telebabad, ay inamin ni Dingdong na suportado niya ang desisyon ng kanyang misis na hindi gawin ang proyekto.

Alam umano ni Dingdong na isang mahirap na desisyon ang ginawa ni Marian lalo na’t excited na excited raw itong gawin ang serye.
Ani Dingdong, “Alam ko ‘yung pinanggagalingan niya, alam ko ‘yung sakripisyo niya for not saying yes to it because alam ko kung gaano siya ka-excited sa project na ito. Bihira lang siyang gumawa ng TV show sa isang taon pero ramdam ko kapag, ito na, gigil na gigil na siya and all out siya.”

Dagdag ni Dingdong, “Apparently, she had to make a very, very difficult decision and hanga ako sa kanya dahil pinili niya ‘to at kung anuman ang pipiliin niya, nandoon ako to support her one hundred percent.”
Ayon pa kay Dingdong, naisip din umano niyang hindi na muna gumawa ng maraming proyekto para matulungan si Marian sa pagpapalaki ng kanilang dalawang anak na sina Zia at Sixto.

Aniya, “By supporting, ‘di lang siguro ako dapat tumanggap din ng [maraming proyekto] dahil, siyempre, kung nandito siya sa bahay, kailangan samahan ko.”

Sa huli ay saad ni Dingdong, “Again, suportado ko siya sa mga desisyon niya kung anuman ang magpapadali ng buhay niya dahil, siyempre, ngayon pinapalaki niya ‘yung dalawang anak namin so ako na ang bahala sa iba.”