Ngayong taon ay nagtayo ng kanyang sariling delivery service company ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Layunin ni Dingdong na sa pamamagitan ng kanyang delivery service company na “DingDong PH” ay matulungan niya ang mga nagtatrabaho sa entertainment industry na nawalan ng hanapbuhay dahil sa limitado lamang na produksiyon ng mga TV show dahil sa p@ndemya.
View this post on Instagram
Ang mga kinuhang delivery riders kasi ni Dingdong ay mga empleyado na nagtatrabaho sa entertainment industry na nawalan ng hanapbuhay ngayong p@ndemya.
Hinangaan naman si Dingdong ng maraming netizens dahil sa kanyang kasipagan at dedikasyon bilang isang negosyante.

Bukod kasi sa pagiging ‘boss’ ng kanyang kumpanya ay personal din na nagde-deliver si Dingdong sa mga produkto na inoorder ng mga customer sa kanyang delivery service company.
Na-spottan ng news personality at online influencer na si James Deakin si Dingdong habang nasa daan sakay ng isang BMW motorcyle at suot ang uniporme ng DingDong PH.

Ipinost naman ni James sa kanyang Facebook page ang mga larawan ni Dingdong habang nagde-deliver.
Caption ni James sa kanyang post, “Spotted! Is that THE Ding Dong Dantes delivering personally??? Btw, nice bike!!!! Not sure which one Iโm more starstruck with๐๐๐ Good job bro! #dingdongspotted”

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang personal na pagde-deliver ni Dingdong. May ilang netizen na pinuri si Dingdong dahil hindi siya nahihiyang maging isang delivery rider. Mayroong mga netizens naman ang pinuna ang mamahaling motorsiklo na ginamit niya sa pagde-deliver.

Ang motorsiklong ginamit ni Dingdong ay isang BMW R1250 GS na ayon sa topgear.com.ph ay maaaring nagkakahalaga ng P1.4 milyon hanggang P1.6 milyon.
View this post on Instagram
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
“Good job Dong, he just proved na walang nakakahiya sa ganitong trabaho. Mas piliin ang maging marangal kesa manglamang ng kapwa.”
“The motorcycle in this photo is an expensive one. I don’t see any reason why people will not guess it’s him.”
“bmw pang deliver nya”

“Walang arte sa buhay. Ang ganda ng bike”
“Sanaol may BMW na pang delivery…Hehehe”
“ang susyal! nakakahiya naman si dingdong pa mag deliver”

Sa panahong isinusulat ito ay umani na ng mahigit 20 libong reactions at isang libong shares ang Facebook post ni James.