Talagang nagbabago ang hiling ng isang babae sa kanyang kaarawan kapag nasa hustong edad na at gusto ng makabuo ng sariling pamilya.
Credit: @dionne Instagram
Isang fairytale ang buhay pag-ibig ni Dionne Monsanto! Maaaring cliche man para sa karamihan, marami pa rin ang humahanga sa tadhana kapag nagkakatuluyan ang dalawang tao na magkaibigan lamang ang turingan sa kanilang buong buhay. Katulad na lamang ng kuwento sa lovelife ni Dionne kung saan ay pinakasalan niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Ryan Stalder.
Matapos ikasal nitong buwan ng Marso sa Switzerland, abalang-abala sa pagta-travel at adventures ang couple at talagang sinusulit ang bawat oras nang magkasama.
Credit: @dionne Instagram
Linggo, December 5 nang sumapit ang ika-36 na kaarawan ni Dionne kung saan ay nakatanggap siya ng maraming regalo galing sa mga mahal niya sa buhay ngunit mas naging espesyal pa ang kanyang birthday nang natupad ang matagal na niyang pinapangarap na magkaroon ng baby.
Credit: @dionne Instagram
“Best birthday & birthday gift so far🤰🏻,” pahayag ni Dionne sa unang bahagi ng kanyang caption kalakip ng isang maikling video kung saan ay makikitang nakahawak siya sa kanyang baby bump.
View this post on Instagram
Marami umanong makabuluhang nangyari sa taong 2020 para kay Dionne dahil lumipat siya sa Switzerland, pinakasalan ang taong mahal niya, at masaya ngayon sa bawat araw at sa mga bagong bagay sa kanyang buhay ngunit wala umanong makakapantay sa kasiyahang dulot ng kanyang pagbubuntis sa unang baby nila ng asawa.
Credit: @dionne Instagram
Ayon kay Dionne, “This year has given me sooo much! I moved to a new country, learned a new language, discovered new interests, got engaged, married my best friend & love of my life @nayr_redlats, and together, we traveled & discovered different countries & cultures. BUT, this may be our most exciting adventure yet!”
Credit: @dionne Instagram
Dagdag pa niya, “I have never been this in love with life, and with love itself. I am so wildly grateful to the universe for conspiring in my favor. Thank you so much to our family & friends who have given us nothing but love, positivity & excitement for our growing family. ✨”
Credit: @dionne Instagram
Iniwan man ang showbiz upang manirahan sa Switzerland, hindi naman ito kailanman pinagsisihan ni Dionne dahil masaya siya ngayon sa piling ng kanyang asawa at ngayon nga na may inaabangan na silang baby, halos wala ng iba pang mahihiling si Dionne kung hindi ay magkaroon ng magandang pamilya at masaganang buhay.