Dionne Monsanto, umani ng paghanga mula sa netizens matapos ibunyag ang halaga ng kanyang sinuot na wedding dress!

Pangarap ng bawat babae na makapagsuot ng isang magandang trahe de boda o wedding gown sa araw ng kanilang kasal.

Credit: @dionne Instagram

Madalas naman ay nagkakahalaga ng libu-libo o kung minsan umaabot pa ng milyon ang halaga ng isang magandang wedding gown.

Ngunit pupuwede rin naman na hindi na kailangang gumastos ng ganito kalaki para lamang makapagsuot ang isang bride ng magandang wedding gown o hindi naman kaya ay wedding dress sa kanyang espesyal na araw.

Credit: @dionne Instagram

Ito ang pinatunayan ni “Kontrabida Queen” Dionne Monsanto matapos niyang magsuot ng isang napakaganda at classic na puting wedding dress na nagkakahalaga lamang ng 300 piso.

Ilang araw matapos siyang maikasal sa kanyang kasintahan na si Ryan Stalder sa Switzerland ay ibinunyag ni Dionne na nabili lamang niya ang kanyang wedding dress sa halagang 300 piso!

Credit: @dionne Instagram

“I spent 300 pesos on my wedding dress! 👰🏻‍♀️ The bottom part of my dress is my Something Old. It was a thoughtful gift from my sister @travelfoodfinds a year ago. The corset top is something I bought from an online shop in the Philippines for less than Php 300 (6 CHF),” ani Dionne sa isang Facebook post.

Sa ganda nga ng kanyang wedding dress ay hindi mo aakalaing nagkakahalaga lamang ito ng 300 piso.

Ayon kay Dionne, habang tumatanda siya ay napapagtanto niyang hindi niya kailangan ng mamahaling mga gamit para maging masaya.

Credit: @dionne Instagram

Kaya naman kuntento at masaya na siya sa kanyang wedding dress. Giit ni Dionne, ang pagmamahal at respeto na nakukuha niya mula sa kanyang mga mahal sa buhay ay mas mahalaga sa kanya kaysa sa anumang materyal na pag-aari.

Ani Dionne, “As I’ve gotten older, I realize more and more that things are just things. That I don’t need a lot to be happy. That love & respect from people I love are more important than any material possession.”

Credit: @dionne Instagram

Maraming netizens naman ang pumuri kay Dionne dahil kahit hindi naman mahal ang kanyang wedding dress, bumagay ito sa kanya at sobrang ganda niya suot ito. Komento ng netizens:

“And you make it look like a million bucks. So amazing, Dionne M. Stalder! ❤️ Congrats, again ❤️”

“Still just as good or even better than most expensive wedding dresses out there. Congrats, Dionne M. Stalder! Hail DDS! 😅”

Credit: @dionne Instagram

“You look great oi ..u make it look like a designer piece ..nice kaayo congrats”

“Hindi kailangan mahal para maging bongga!”

Sina Dionne at Ryan ay ikinasal noong March 8 sa Switzerland.