Ngayong panahon ng qu@rantine, marami ang nahilig sa panonood ng TikTok videos at YouTube vlogs. Kasabay naman ng pagsikat ng mga video-sharing app tulad ng TikTok at YouTube ay ang pag-usbong din ng kasikatan at karera bilang isang social media influencer ni Rhemuel Luino o mas kilala bilang si DJ Loonyo.
Credit: @djloonyo Facebook
Isa ngayon si DJ Loonyo sa mga pinakatanyag na dancer, choreographer, vlogger at social media personality. Dahil nga sa kanyang angking talento sa pagsayaw at maging sa pagkanta, kaya naman marami ang humahanga kay DJ Loonyo.
Maraming oportunidad naman ang nagbukas para kay DJ Loonyo mula nang sumikat siya. Dahil din sa kanyang kinikita bilang isang social media influencer kaya natupad ni DJ Loonyo ang dalawa niyang pangarap para sa kanyang pamilya.
Ibinahagi ni DJ Loonyo sa kanyang Facebook account na nakapagtayo siya ng isang bahay para sa kanyang pamilya mula sa mga kinikita niya bilang isang social media influencer. Ang dating pangarap nga ni DJ Loonyo ay isa nang realidad ngayon.
Credit: @djloonyo Facebook
Sa kanyang post, ibinahagi ni DJ Loonyo na noon ay nagpalipat-lipat sila ng bahay simula nang magkasakit ang kanyang ama. Tanging kanilang ina lamang ang kumakayod bilang isang midwife para sa kanila.
Kaya labis ang pasasalamat at kaligayahan ni DJ Loonyo dahil sa wakas natupad na ang kanyang pangarap na makapagpatayo ng bahay para sa kanyang ina at mga kapatid.
“Eto yung naging hugot ko last year at sa awa ng DIYOS, biniyayaan niya ako ng platform at responsibilidad as DJ LOONYO na nagbigay tuwa at saya simula last year dahil sa mga dance challenges na ginawa ko sa china. Nagkaroon ng maraming biyaya at ito’y inipon ko para makabili ng Lupa at makapagpatayo ng Bahay para sa pamilya ko. Talagang trabaho kung trabaho kahit nagkakasakit at patuloy pa din sa pangarap,” pagbabahagi ni DJ Loonyo sa Facebook.
Credit: @djloonyo Facebook
Ikwenento rin ni DJ Loonyo na pinatigil na niya sa pagtatrabaho ang kanyang ina. Upang mabigyan naman ng mapagkakakitaan ang kanyang ina, ipinagdasal ni DJ Loonyo na makapagpatayo ng isang negosyo. At ngayon nga ay natupad niya ito dahil sa kanyang pagsisikap.
Kwento ni DJ Loonyo, “Ngayon, Sabi ko gagawa ako ng business para sa pamilya ko, at NAGPAPASALAMAT AKO SOBRA KASE ANDUN ANG KUYA KO para i-manage at talagang tulungan ako sa business na yun. Dahil pina-retire ko si mama, pinagdasal ko na bigyan sila ng business para dun na makukuha lahat ng mga gastusin at iba pa.”
Credit: @djloonyo Facebook
Sa huli ay pinayuhan ni DJ Loonyo ang lahat na huwag sumuko sa kanilang mga pangarap at pagtibayin ang kanilang paniniwala at pananalig sa Diyos dahil aniya, madilim man ang daan, hindi Niya tayo pababayaan.