DJ Mo Twister at Angelicopter, nagpalitan ng kanilang “I do’s” sa Iceland!

Kasal na ang mga sikat na radio DJ na sina Mo Twister at Angelicopter. Ikinasal ang dating mga radio DJ ng Magic 89.9 noong June 15 habang nagbabakasyon sila sa napakalamig na bansang Iceland kasama ang kanilang dalawang anak.

Credit: @djmotwister Instagram

Ibinalita ni DJ Mo o Mohan Gumatay sa tunay na buhay sa kanyang Instagram account ang masayang sandali ng buhay nila ni Angelika Schemeing o mas kilala ng lahat bilang si Angelicopter.

Ipinost ni DJ Mo ang letrato nila ni Angelicopter bilang mag-asawa kuha mula sa araw ng kanilang kasal.

Sa caption ng kanyang post, ibinahagi naman ni DJ Mo ang mga problemang hinarap nila ni Angelicopter bago nila masabi ang kanilang “I dos”.

Credit: @djmotwister Instagram

Kwento ni DJ Mo, nakansela ang matagal na nilang mga plano para sa kanilang kasal dahil sa matinding kondisyon ng panahon sa Iceland.

“Here’s a tip about getting married in a far away wilderness like Iceland,” simula ni DJ Mo sa kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mo Twister (@djmotwister)

Patuloy niya, “Have not one but two backup plans 😂 for the second time we have been here together, things we had scheduled a long time ago were cancelled by weather.”

Ayon pa kay DJ Mo, nabago ang naka-schedule sana nilang wedding ceremony dahil sa masamang lagay ng panahon.

Credit: @djmotwister Instagram

Aniya, “We had some extreme weather that made us have to completely overhaul the entire day. Where we scheduled to have our ceremony, changed due to a summertime snow storm.”

Dahil sa matinding lamig sa Iceland kaya naman hindi na nila nakasama ang kanilang mga anak nang lumipat sila ng ibang lokasyon para sa kanilang wedding ceremony.

Ani DJ Mo, “Angelika’s wedding dress was ripped by the weather and the elements. My clothes drenched. We moved to several locations, the kids nearly froze to de@th, they had to stay in the hotel cuz they just couldn’t handle the weather any longer…”

Credit: @djmotwister Instagram

Maituturing naman ni DJ Mo na himala ang pagkakadiskubre nila ng isang maaraw na lokasyon sa Iceland.

“Then like a miracle, we found a bright, calm and SUNNY spot wherein it ended up with just the two of us,” ani DJ Mo.

Kung ilalarawan naman niya ang kanilang pag-iisang dibdib ni Angelicopter ay masasabi ni DJ Mo na, “ins@nely romantic” ito at talagang kamangha-mangha.

“Insane and insanely romantic. It was incredible,” paglalarawan ni DJ Mo.

Credit: @djmotwister Instagram

Dagdag niya, “Our amazing videographer didnan awesome job leading the way. And yay! I get to finally wear a wedding ring!! I love you @angelicopter, no wedding hashtag.”

Mayroong isang anak sina DJ Mo at Angelicopter bago sila ikinasal. Samantala, itinuturing naman ni DJ Mo bilang kanyang sariling anak ang panganay na anak ni Angelicopter sa kanyang dating kasintahan.