Dominic Ochoa, nagbigay ng house-tour sa Mediterranean-inspired na bahay at ipinakita ang kanyang koleksyon ng mga vintage car

Pinaunlakan ng aktor na si Dominic Ochoa ang isang house-tour ng kanyang bahay sa pinakabagong Star Magic online show na “Welcome Kayo Dito”.

Credit: Star Magic YouTube

Bago pumasok sa loob ng kanyang bahay, kailangan munang mag-alcohol at dumaan sa isang disinfecting mat. Mayroong automatic alcohol dispenser at disinfectant mat sina Dominic para masigurado na malinis ang lahat ng papasok sa bahay.

Credit: Star Magic YouTube

Mediterranean-inspired ang arkitektura ng bahay ni Dominic. Sa kanyang sala ay makikita ang iba’t ibang modern at vintage furniture.

“Mahilig ako sa mga lumang bagay. So, it’s a mixture of old and new stuff basically,” ani Dominic.

Credit: Star Magic YouTube

Ikinuwento rin ni Dominic na kahit apat na taon na silang nakatira sa bahay ay hindi pa daw ito tapos at iniisa-isa nilang kinukumpleto ang mga laman nito.

Dahil sa isang picture na ibinigay ng sikat na filmmaker na si Erik Matti sa kanyang misis na si Denise Go, ipinahayag ni Dominic ang planong nitong pagbili ng mga artwork na gawa mismo ng mga kasamahan niya sa industriya.

Credit: Star Magic YouTube

Naniniwala si Dominic na, “It’s a good conversational piece when you have it at home.”

Sunod na ipinakita ni Dominic ang kanyang dining at kitchen area kung saan matatagpuan ang mga ibinebenta nila ng kanyang misis na fruits at food products.

Credit: Star Magic YouTube

Mahilig uminom ng tea si Denise kaya’t mayroon itong koleksyon ng mga tea cup. Si Dominic naman ay ipinakita rin ang kanyang iba’t ibang coffeemaker.

Credit: Star Magic YouTube

Paboritong namang pagtambayan ng pamilya ni Dominic ang lanai area. Mayroon itong couch kung saan madalas magbasa ng script si Dominic. Makikita rin sa lanai ang lumang butaka chair kung saan madalas nagbo-bonding ang aktor at ang kanyang anak na si Sandro.

Credit: Star Magic YouTube

Pagkukuwento rin ni Dominic na naging hands-on siya sa pagpapagawa at pagpili ng mga furniture at appliances na ilalagay dito.

Aniya, “Yung structure- ‘yung contractor (gumawa nu’n) pero lahat ng nakikita n’yo from the tiles, electric fan , finishing, ref, aircon, bubong, finishing sa bahay – ako po ang nag-asikaso nu’n.”

Credit: Star Magic YouTube

Huling ipinakita ng aktor ang kanyang koleksyon ng mga vintage car. Mahilig sa mga kotse ang aktor at sumali na rin ito sa mga car racing competition. Ikwinento rin ni Dominic na kung hindi siya makita ng misis sa loob ng bahay ay paniguradong nasa kanyang garage ito.

Kabilang sa mga fully restored na vintage car ni Dominic ay ang kanyang 1968 Volkswagen Beetle convertible, isang 1995 all-original Range Rover, 1978 Ford Escort, ang kanyang 2018 Vios Cup car at ang kanyang itinuturing na “lucky car” na ibinigay sa kanya ng kanyang ama noong nasa college pa lang ito na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ni Dominic.

Credit: Star Magic YouTube

Samantala, sinimulang ipagawa ni Dominic ang bahay limang taon pagkatapos niyang mabili ang lupa noong 2009.