Dominic Roque, may espesyal na regalo para sa kaarawan ng kanyang nobya na si Bea Alonzo

Ramdam ng netizens ang init ng pagmamahalan nina Bea Alonzo at Dominic Roque!

Credit: @dominicroque Instagram

Kilala bilang isang sikat at mahusay na aktres sa industriya ng showbiz, hindi na palaisipan kung bakit ganoon na lamang karami ang mga taong sumusuporta kay Bea Alonzo. Marami namang naging “leading man” sa mga teleserye at pelikulang pinagbidahan, wala namang makakatalo sa taong iniibig ng aktres sa totoong buhay.

Simula nang inanunsyo sa publiko ang relasyon nila ng aktor na si Dominic Roque, tuloy-tuloy na ang kilig na hatid nina Bea at Dominic. Marami ring netizens ang nagpahayag kung gaano sila kasaya para sa aktres dahil sa wakas, nahanap na rin nito ang lalaking tunay na magpapasaya sa kanya.

Credit: @dominicroque Instagram

Bilang isang aktres na mahal ng masa, talagang masaya ang bawat kaarawan na ipinagdidiwang ni Bea. Linggo, October 17 nang ipinagdiwang ng aktres ang kanyang ika-34 na kaarawan at ngayon na nasa piling na ng tamang tao, wala nang iba pang mahihiling si Bea.

Hindi lamang sa salita nananatili ang kilig na ipinaparamdam ni Dominic dahil muli niyang pinatunayan sa girlfriend na hindi lamang sa mga salita naipapahayag ang damdamin kundi pati na sa gawa.

Credit: @dominicroque Instagram

Nakatanggap ng cake at isang malaking box na punong-puno ng pulang mga rosas mula kay Dominic, mas naging espesyal pa ang kaarawan ni Bea.

“Happy Happy Birthday Hunnn…❤️ i love you!😍” pahayag ng aktor sa kanyang caption kalakip ng mga larawan nilang dalawa ni Bea at ng regalo niyang isang box ng rosas para sa girlfriend.

Kaagad namang nakaramdam ng kilig ang fans ng couple. Noon pa man, nagagawa ng iparamdam nina Bea at Dominic ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan lamang ng pagbabahagi ng mga larawan at vlogs sa Youtube kaya nang may bonggang regalo para kay Bea sa kaarawan nito, magkahalong saya at kilig ang naramdaman ng “BeaDom” fans.

Credit: @dominicroque Instagram

“I love you hun❤️,” komento ni Bea sa mismong post ng boyfriend.

Talagang espesyal na regalo para sa espesyal na tao! Inulan din ng greetings si Bea mula sa kanyang fans, kasamahan, at mga malalapit na kaibigan sa industriya ng showbiz katulad na lamang nina Angel Locsin, Ian Veneracion, Judy Ann Santos, at marami pang iba.

Credit: @beaalonzo Instagram

Napuna rin ng netizens ang pagiging “blooming” at pagkamasiyahin ngayon ng aktres. Talagang kakaiba ang dulot ng tunay na pagmamahal sa tamang tao!