Donita Nose, ipinakita sa publiko ang kanyang bagong sasakyan na pinangalanan niyang Daniela!

Hindi naman basta-bastang naaabot ang ating pangarap kaya naman todo effort at doble ang ating sipag na ginagawa upang maisakatuparan lamang ito.

Credit: Donekla in Tandem YouTube

Bagong taon, panibagong opportunities at blessings sa buhay ang nais ni Donita Nose ngunit hindi niya inaasahang ganito kaaga niya matatanggap ang isa sa mga bagay na matagal na niyang pinapangarap.

Sabado, January 8 nang nagbahagi ng vlog ang DONEKLA kung saan ay mapapanood kung gaano kasaya ang komedyanteng si Donita Nose nang ibinalita niya sa kanyang beshy na si Super Tekla na magkakaroon na siya ng bagong “baby”.

Busy sa kanyang araw-araw bilang isang celebrity, talagang kinakailangan ni Donita Nose ng sasakyan at dahil anim na taon na niyang ginagamit ang dati niyang sasakyan na pinangalanan niyang si Daniel, hindi napigilan ng komedyante na makaramdam ng awa.

Credit: Donekla in Tandem YouTube

“Si Daniel kasi, nagrereklamo na. Pagod na pagod na daw siya,” sabi niya na kaagad namang na-gets ng kanyang beshy na si Tekla.

Matapos makapag-ipon ng isang taon para sa kanyang gustong sasakyan, mabibili na rin ni Donita Nose ang pangarap niya na isang Nissan Terra VL.Ayon sa komedyante, marami umano siyang katanungan sa sarili bago tuluyang bilhin ang bagong sasakyan pero proud naman siya dahil achievement kumbaga ito lalo na’t grabe ang kasipagan niya pagdating sa pagtatrabaho.

“Bibihira ang magkaroon ng ganito. Marami ang nagkukumahog na magkaroon ng sariling sasakyan but you deserve it, and I’m so happy for you,” sabi naman ni Super Tekla sa kaibigan.

Isang kulay puti at bagong Nissan Terra VL ang panibagong “baby” ni Donita Nose! Nang personal itong nakita, hindi napigilan ni Super Tekla na humanga sa kagandahan ng sasakyan ng kaibigan.

Malaki at bakas talaga ang pagiging bago habang spacious naman sa loob. Ang pinakabongga nito ay may TV pa kaya labis ang tuwa at excitement ng magkaibigan nang sinuri ang loob ng bagong sasakyan.

Of course, kung Daniel ang pangalan ng dati niyang sasakyan, Daniela naman ang pangalan ng bagong sasakyan ni Donita Nose.

“Ang pangalan ng bagong car ko is Daniela kasi nga ‘yung blue ko, si Daniel so eto naman si Daniela. Ang asawa ni Daniel,” pagbibiro pa niya.

 

Credit: Donekla in Tandem YouTube

Nang matapos i-check ang bagong sasakyan, excited na si Donita Nose at Super Tekla na subukan si Daniela.

“So, this is it at last! I’m so excited,” sabi ni Donita Nose habang pinapaandar si Daniela.

Ngayon na may bago na siyang “baby,” muli na namang nadagdagan ang miyembro sa pamilya ng DONEKLA in Tandem. Congratulations, Donita Nose!