Kapag may liwanag, may kadiliman at kalakip ng spotlight at kasikatan ay ang mapagmatyag na mga mata ng netizens. Ito ang buhay ng isang celebrity katulad na lamang ni Donita Rose na kahit matagal namang niyang nilisan ang mundo ng showbiz upang magkaroon ng normal at simpleng buhay sa US, naaabot pa rin siya ng bashers.
Credit: @dashofdonita Instagram
Kumakailan lamang nang ibinunyag ni Donita Rose na ma boyfriend na siya sa pamamagitan ng isang post sa Instagram na may caption na, “I think it’s safe to say I’m seeing someone…”
Sa balita niyang ito, marami ang na-shookt at naging masaya para sa dating aktres. Maliban sa kanyang fans, labis din ang tuwang naramdaman ng kanyang kapwa celebrities na sina Ruffa Gutierrez, Jackie Forster, Ruby Rodriguez, Vina Morales, at marami pang iba.
Credit: @dashofdonita Instagram
Bagama’t sobrang happy naman niya ngayon sa bagong chapter ng kanyang buhay, hindi pa rin sila nakatakas ng kanyang boyfriend na si Felson Palad sa mga masasakit na komentong ibinabato ng bashers. Dahil dito, kaagad na nagbahagi ang dating aktres ng mensahe sa Instagram tungkol sa kanyang bashers.
Credit: @dashofdonita Instagram
“There have also been a ton of negative comments from netizens regarding articles written about us and our social media posts, some making memes and trolling on us,” pahayag ni Donita Rose pero kahit na’y hate na komento ang kanilang natatanggap, sinabi niyang ipinagdadasal pa rin nila ni Felson ang kanilang bashers.
Ayon pa kay Donita, proud siya sa boyfriend dahil sa kabila ng masasakit na pinagsasabi ng kanilang bashers, nananatili itong matatag.
Sabi pa niya, “I do not live for the approval or the praises of man but I do find encouragement from the love we are receiving. Much love back at everyone. There are so many wonderful stories and bellyaching hilarious moments of us to share but for now, this is what’s most on my heart.”
Credit: @dashofdonita Instagram
Artista man o hindi, sikat man o hindi, walang karapatan ang ibang tao na diktahan ang mga desisyon mo sa buhay o ano man ang mga gustong gawin sa buhay dahil tanging ikaw lamang ang may kakayahan nito.
Hindi dapat tayo mabuhay para sa approval ng iba kung hindi ay sa sarili nating approval dahil kung ganito tayo mag-isip, tiyak na mas makakahanap pa tayo ng kasiyahan sa buhay.