Donnalyn Bartolome, may bwelta sa komento ng isang netizen na tinawag siyang “cheap” dahil sa ginamit na bag nang namimili ng sports car

May bwelta ang sikat na vlogger-singer na si Donnalyn Bartolome sa komento ng isang netizen na tinawag siyang “cheap” dahil sa paggamit niya ng isang Burberry bag habang namimili ng isang sports car.

Credit: Donnalyn Bartolome Instagram    

Kamakailan ay inupload ni Donnalyn sa kanyang YouTube channel ang kanyang vlog na pinamagatan niyang “I BOUGHT A SPORTSCAR” na sa kasalukuyan ay umabot na sa 2.2 million ang views.

Sa kanyang vlog, mapapanood si Donnalyn na sobrang saya at excited habang ibinabahagi sa kanyang mga subscriber na bibili siya ng sports car para sa kanyang sarili.

Credit: Donnalyn Bartolome Instagram

Ipinaliwanag ni Donnalyn sa vlog na kaya siya bibili ng sports car ay dahil napagtanto niya na palagi siyang nagbibigay ng mga regalo sa ibang tao ngunit hindi pa niya nabibigyan ang kanyang sarili ng isang bagay na hindi niya kailangan ngunit magpapasaya sa kanya.

Ani Donnalyn, “Every Christmas, I realize I’ve always given people gifts, or even when it’s not Christmas, I’ve always given people gifts. Help them buy cars, construct houses, help them build businesses… And I realize, I’ve never given or bought for myself — something I don’t need but will just simply make me happy you know.”

Credit: Donnalyn Bartolome Instagram

Kaya naman nagpunta si Donnalyn sa isang sports car dealer shop para bumili ng isang sports car.

Mapapanood sa vlog na simple lamang ang outfit ni Donnalyn habang namimili ng sports car. Suot ni Donnalyn ang isang puting pantalon,puting top na pinatungan niya ng kulay violet na cardigan habang bitbit sa kanyang kamay ang isang Burberry bag.

Kung titingnan ay walang mali sa suot ni Donnalyn. Kahit simple lamang ang kanyang outfit ay bumagay pa rin ito sa kanya.

Credit: Donnalyn Bartolome YouTube

Ngunit mayroong isang netizen ang nagkomento at pinuna ang ginamit na bag ni Donnalyn habang namimili ng sports car.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Donnalyn ang screenshot ng komento ng nasabing netizen.

“Buying luxuries car with Burberry purse?! Eeww! So cheap! She looks like she just going to a convenience store,” komento ng netizen.

Credit: Donnalyn Bartolome YouTube

Hindi naman pinalampas ni Donnalyn ang komento ng nasabing netizen. Ginawang halimbawa ni Donnalyn ang komento ng nasabing netizen para ipaalala sa lahat na huwag magsayang ng pera para lamang magmukhang mayaman.

Ani Donnalyn, “And this, kids, is the perfect example of why it’s important to not be the girl with a $10,000 bag that doesn’t have $10,000 in it. Don’t go broke trying to look rich 💋”

Credit: Donnalyn Bartolome YouTube

Dagdag ni Donnalyn, maaaring ang kanyang bag ay hindi ang pinakamahal na bag ngunit itinuturing niya umano ito bilang kanyang “lucky bag”.

Ani Donnalyn, “My Burberry may not be the most expensive bag but when you look inside you’ll see why I call it my lucky bag 😉Beyonce will back me up on that hunnniieeeee. Jisoo tuu”