Donnalyn Bartolome, nagtrending ang ginawang birthday party kamakailan lang dahil sa kakaibang theme nito

Hindi lamang ang araw ng ating kapanangakan maaari nating ipagdiwang ang ating kaarawan dahil kung gugustuhin, pwedeng-pwede pala natin itong i-celebrate kahit kailan natin gusto at kahit ilang ulit nating gusto!

Credit: @donnalyn YouTube

Isa si Donnalyn Bartolome sa Pinay vloggers na nangunguna at patuloy na namamayagpag sa mundo ng vlogging ngayon dahil hindi lang naman kasi ang kanyang beauty ang ibinibida niya sa bawat episode dahil baon din niya ang nakakatuwang contents na tiyak na magpapatawa sa ating mga manonood. Paano ba naman kasi, hindi naman kailanman nauubusan ng fun na ideas si Donnalyn dahilan kung bakit talagang inaabangan ng karamihan ang purong good vibes na hatid niya sa lahat.

Credit: @donnalyn YouTube

Matatandaang ipinagdiwang ni Donnalyn ang kanyang ika-28 na birthday nito lamang nakaraang buwan ngunit sa hindi niya inaasahang backlash mula sa concern na netizens tungkol sa naging theme ng kanyang photoshoot, napagdesisyunan ng Pinay vlogger na i-postpone muna ang kanyang bonggang celebration at nito ngang nagdaan na mga linggo, muling nagkaroon ng magandang idea si Donnalyn tungkol sa magiging theme ng kanyang birthday celebration na ayon sa kanya ay may touching na kuwento sa likod nito.

Sa muli niyang pagdiriwang ng kanyang kaarawan, ibinida ni Donnalyn ang “Kanto” theme bilang pagbabalik-tanaw sa dati niyang buhay at masayang karanasan noong hindi pa siya isang celebrity at sikat na Pinay vlogger.

Credit: @donnalyn YouTube

Of course, sa special na event sa buhay ni Donnalyn, invited ang kanyang malalapit na mga kaibigan, kapwa vloggers, at kaibigang celebrities na sina Zeinab Harake, Jelai Andres, Mika Salamanca, Awra Briguela, Ella Cruz, Paul Salas at marami pang iba.

Credit: @donnalyn YouTube

Hindi katulad ng kanyang celebrations sa nagdaan niyang birthdays, simple at talagang pangkanto lang talaga ang outfit ni Donnalyn at ng kanyang guests. Maliban sa kanilang awrahan, mas lalo pa na naisabuhay ang “Kanto” theme ni Donnalyn nang sumabak sa mga larong kalye, nag-videoke, at nagsayawan ang lahat!

Credit: @donnalyn YouTube

Hinding-hindi naman mawawala ang inuman ng magbabarkada dahilan kung bakit mas naging doble pa ang saya ng birthday celebration ni Donnalyn.