Kilala si Donnalyn Bartolome bilang isang Filipino vlogger, aktres, mang-aawit, at rapper. Nagsimula ang kanyang pagsikat nang inilabas niya ang kantang “Kakaibabe” noong 2014. Ngayon ay isa si Donnalyn sa mga sikat na Filipino vloggers na may maraming tagahanga.
Credit: @donna Instagram
Sa edad na 26 ay isa na siyang accomplished woman dahilan ng kanyang pagpupursige. Bago sumapit ang kaarawan ni Donnalyn ngayong July 9 ay ibinahagi niya sa kanyang social media accounts ang pagbili ng ikatlong luxury sports car.
Credit: @donna Instagram
June 24 nang inanunsyo ng vlogger ang pagbili niya ng isang mamahaling sasakyan na Maserati. Ayon kay Donnalyn ay pangatlo na umano niya itong purchase ng luxury car. Ang mas ikinagulat pa ng karamihan lalo ng mga kanyang mga fans ay ang pagbili niya ng sasakyan ng walang ginamit na cash kung hindi ay LYKA gems lamang.
“I bought a dream vroom vroom y’all! ackk so beautiful!” sulat ni Donnalyn bilang caption sa kanyang post sa Instagram kung saan ay makikita ang larawang ng kanyang Maserati sports car.
Credit: @donna Instagram
Ayon pa kay Donnalyn ay noong nakaraang taon pa niya gustong makabili ng Maserati kaso hindi raw iyon ang tamang panahon at ngayong taon ay nakamit na nga niya ang dream car.
“About a year ago I wanted to buy a Maserati but it wasn’t the right time.. it finally happened! An early bday gift to myself. Last na muna ‘to haha!”
Ilang oras matapos ang post ni Donnalyn ay pinasaringan siya ng isang netizen na nagawa nga niyang bumili ng mamahaling sasakyan pero pinabayaan ang lola.
Credit: Donnalyn YouTube
Upang linawin ang maling pag-aakala ng nasabing netizen ay nag-post siya sa Facebook noong June 25 upang itama ang negatibong komento mula sa isang netizen.
“For those confused, 2 years ago, a reckless youtuber featured a distant relative, a lola, who I took care of and had my contact number to ask for help when she was struggling but chose to let an outsider use my name for attention so that her son talks to her again after her shortcomings,” pagpapaliwanag ni Donnalyn.
Ayon pa kay Donnalyn ay naapektuhan rin ang kanyang ment@l he@lth dahil sa nangyari pero mas piniling magpatawad kaysa magtanim ng gal!t.
“I forgave both of them with all my heart though it cost me my reputation and also my ment@l he@lth for 1 year,” sabi ni Donnalyn.
Credit: Donnalyn YouTube
Dahil sa nangyari ay nagsilbi umano itong aral sa kanya at para na rin makitaan ng leksyon ng mga fans ang nangyari sa kanya ilang taon na ang nakakaraan.
Pinaalalahanan din ni Donnalyn ang lahat na mag-ingat sa mga balitang walang katotohanan at huwag basta-bastang magkalat ng balitang walang basehan.
“No to f@ke news. Be a responsible viewer,” advice ni Donnalyn.